Company -- "Nandito na ang Papa mo." Bigla akong napalingon kay Mama. Nandito kaming lahat sa dining room at sabay na nag-a-almusal. Kahit si South ay napahinto sa pagkain at napalingon sa akin, umiwas ako ng tingin. Baka ma-distract ako, eh. "Kailan pa po siya nakauwi? Hindi ko man lang napansin." "Kaninang madaling-araw lang. Baka nasa office niya 'yon ngayon. Alam mo na." Ngiting sagot niya bago magkibit ng balikat. "Office sa company or dito sa bahay?" I asked. Yes, kahit dito sa sarili naming pamamahay, dala-dala niya ang trabaho. Kaya ayoko ring sumunod sa yapak niya, eh. Mas busy pa siya kaysa sa akin na nagtuturo na. "Here." Napatango na lang ako bago pinagpatuloy ang pagkain. Siguro pupuntahan ko na lang siya after nito. Alam ko namang kailangang-kailangan namin mag-usap. S

