Tears -- "South, saan ka pupunta?" Huminto siya sa paglalakad at nilingon ako. Tiningnan ko yung get up niya—naka-pony tail ng maayos at mahigpit ang wavy nitong buhok, nakasuot ng V-neck na plain white shirt, black watch on her left wrist, black skinny jeans, and a pair of shoes na Adidas ang tatak. Wala na rin itong saklay na tinigil na niyang gamitin ilang araw nang nakararaan. Pero ang isang ikinakunot talaga ng noo ko ay ang dala nitong backpack. Para siyang magca-camping. Bumalik ang tingin ko sa mukha niya. Unti-unting sumilay ang isang nakakalokong ngiti sa labi niya. Feeling ko tuloy ay mas na-emphasized ng ngiting iyon ang kulay asul niyang mata. Halos mapatulala ako sa nakikita ko. Ang ganda niya... "Maggagala lang." Natauhan ako sa sinagot niya. "Ikaw lang mag-isa?" "Ba

