Played Pink
--
"Boy, ingat, ha."
Natatawa namang bumaling si South sa kanya at tinapik siya sa balikat. "Baliw ka ba, Charles? Ayan lang bahay namin, oh."
Napailing na lang ako. Oo nga naman. Parang ewan din kasi itong si Charles, eh. Pagkatapos nilang maglaro ay nagpresinta pa siyang ihatid kami—este, si South—kahit na nauna na 'yong ibang kasama niya.
"Basta." Napakamot ito sa batok, namumula pa siya. Halatang may gusto ito kay bata, eh. Upakan ko kaya 'to?
Umalis na rin siya habang pangiti-ngiti pa rin habang si South ay walang muang na binuksan lang ang gate. Sumunod na lang tuloy ako.
"Oh, close na kayo?" Bungad sa amin ni North Babe na umiinom ng juice pagkapasok namin sa loob.
"Slight."
"Hindi."
Tiningnan ko siya nang masama sa sagot niya. Anong hindi? Magkasama na kami lahat-lahat tapos hindi pa rin? Ay wow, grabe namang kaartehan 'yan. Napailing na lang ako at napabuntong-hininga. "Maliligo muna ako."
"Ako rin." Napatingin ako sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay. "Bakit? Ikaw lang ba pinagpapawisan?"
Hindi na lang ako sumagot at naglakad na lang habang nakasunod siya sa'kin, malamang, magkatapat lang ang kwarto namin. Papasok na siya nang makaisip ako ng kalokohan. "South."
Huminto siya at lumingon sa akin. She tilted her head, ibig sabihin ay naghihintay siya ng susunod kong sasabihin.
"Gusto mong sumabay sa'kin na maligo?" Pataas-taas pa 'ko ng kilay na nalalaman.
As expected ay kumunot ng bongga ang noo niya. Pero ang hindi ko ine-expect ay nang nginisihan niya ako. Napalunok ako nang lumapit siya sa akin ng sobra at feeling ko ay kinuryente ang buong katawan ko nang tumingkayad siya at inilapit ang bibig sa kanang tainga ko. Una kong naramdaman ang mainit niyang hininga. "Gusto mo ba talaga..." Holy shh—"Ma'am?"
"E...ewan!" Kaagad akong pumasok sa kwarto ko nang hindi siya nililingon. Ni-lock ko pa para sure. Ngayon ko lang ulit sasabihin 'to pero...pakshet! What was that? Really!
Napahawak ako sa aking dibdib and ramdam ko ang lakas ng kabog ng puso ko, pinagpapawisan din ako. s**t talaga, ang bilis naman bumalik ng karma sa akin! Ang...init kasi ng hininga niya—at ang init na ng pakiramdam ko!
Frustrated na hinagod ko ang buhok ko. Makaligo na nga lang!
Dali-dali kong kinuha ang towel at dumiretso sa banyo. What I need is a nice—more importantly—a cold bath.
Pagkatapos ko ay kaagad na akong nagbihis at nag-ayos. Feeling fresh na ulit ako at mukhang maayos na rin ang takbo ng aking utak. Nakarinig ako ng sunud-sunod na pagkatok before I can even check my phone. I opened it. Nagulat ako nang si South ang nabungaran ko at mukhang hindi pa rin siya nakakaligo.
"Makikiligo ako." Monotone na sabi niya at walang paalam na pumasok sa loob ng kwarto ko.
"What?" Anong pinagsasabi nito?
"Bingi ka ba?" And again, lumapit na naman siya. "Sabi ko, makikiligo ako."
"At bakit?" At bakit kailangan mong lumapit?
"Sira yung shower."
"Bakit?" Goodness, magpa-panic na ba 'ko?
Walang kaemo-emosyon na nilagpasan niya ako at halos lumuwa ang mata ko nang bago pa siya makarating ng banyo ay hinubad niya ang suot niyang t-shirt and—and now she's almost naked!
"Wh-what..." Goodness! Ang hot niya sa suot na black undies! This is a sin, f!
"Towel."
"H...ha?" Ano bang sinasabi niya? Hindi ko narinig. Man, mababaliw na yata ako rito. My eyes!
Nanlambot nang tuluyan ang tuhod ko nang lapitan niya ako. Mabuti na lang sa kama ako napaupo or else mas gagawin kong kahiya-hiya ang sarili ko.
"Towel. Saan?"
Nag-malfunction yata ang lalamunan ko dahil walang boses na lumalabas sa akin kaya nag-effort talaga akong ituro kung saan nakalagay ang malinis na tuwalya. Tuluyan na akong napipi hanggang sa pumasok na siya ng banyo.
"Shit..." Parang nag-replay ulit sa utak ko ang imahe niya na naka-underwear lang. Nasapo ko ang dibdib, ang bilis ng heartbeat ko. Parang hinihingal ako na ewan.
Ang sexy niya. Hindi naman pala siya flat chested tulad ng naisip ko noon. She has it, alright. At halatang ang kinis niya, ha.
Okay. Tuluyan ko nang binabawi na isa siyang katorse anyos na babae because certainly she's not. She's a killer, for she will kill me in a second because of heart attack! Pwe! English-English pa 'kong nalalaman!
Lumabas na ako ng kwarto para naman makalanghap ako ng sariwang hangin. Mahirap na, baka sapian pa ako ng espiritu ng kadiliman, baka magahasa ko siya habang naliligo. Ayokong makulong aba, tsaka mukhang straight yung batang 'yon kahit nagawa niya akong akitin ng kainosentehan niya.
I could tell naman kung nagiging playful lang ang isang tao or hindi, eh. Lalo na sa mga babae.
"Jade, nakaligo ka na ba?" Tanong ni North na naabutan kong nanginginain ng halo-halo dito sa kusina. Nasa lamesa siya, she's having a laid back expression. Halo-halo addict.
"Yep. Why?" Kumunot ang noo ko. Mukha ba akong haggard?
"Hmm," Sumubo siya sa kinakain. "You looked flushed kasi."
"O-oh." Tumawa ako ng pilit. "Mainit lang."
"Okay."
Umupo ako sa tabi niya at nakikain. Akala ko nga pagdadamutan niya ako, eh. But nope because she's being sweet today. Yie. Sinusubuan ako ng best friend ko. Ganito naman talaga siya. Magulo talaga 'tong babaeng 'to. Minsan sweet, madalas masungit. Mabait naman siya...ng slight.
"Nagulat ako kay South." sabi niya out of nowhere. Bigla ko namang narinig mula sa living room ang hiyawan nina West and East. Mukhang naglalaro yata ng video game. Natatawa tuloy ako, maingay lang si West kapag naglalaro, eh.
"Ano na namang nakakagulat sa babaeng 'yon bukod sa isa siyang genius at talented na abnormal na halimaw sa sports?" Mahabang description ko habang inaalala ang mga perfect quizzes niya, paintings, ang kanyang mala-varsity na paglalaro at ang huli ay ang ano, yung katawan niyang—napailing tuloy ako. Get out, perv thoughts!
"The last one you said," She said as she glared at me. "Kakalimutan kong sinabi mong abnormal siya."
I chuckled. Too protective!
"You're losing!"
"No, I'm not!"
Natawa ako nang marinig ang sigawan ng kambal bago sinenyasan si North na magpatuloy. Nakikikain lang ako ng halo-halo, yum!
"Well, she rarely plays. Dumalang iyon simula no'ng," She looked hesitating for a second. "Umalis si Dad. I then started to notice na naglalaro lang siya ng twice a month. I don't know why though pero tingin ko there is some logical reason for that."
I swallowed the crushed ice na naisubo ko. "Baka paranoid ka lang."
"No." Umiling siya. "Si South, she's a woman of a living daily routine."
Ano raw?
"Kapag may ginagawa siya, hindi na iyon mabilis mabago. Tingnan mo, ha. Before, she used to play every weekend. Palagi siyang naghahanap ng oras na magawa ang nasa routine niya dahil iyon ang nakasanayan niya. Nakakapagtaka naman na bigla lang magbabago 'yon ng gano'n." Tumingin siya sa akin ng kakaiba. "Tapos biglang sumama siya sa'yo? That's her third time this month!"
Napakamot na lang ako sa batok. Wala, eh. Anong sasabihin ko? Na people change even on their daily routine? Ang hirap makipag-debate sa Psychology major, 'no, so shut up na lang ako.
"I think she likes you."
Bigla kong naibuga ng 'di oras yung nasa bibig ko. Buti na lang hindi tumalsik sa kanya or else pupuwersahin niya sa aking ipalunok yung kutsara niya. Gulp!
"Manners. Goodness!" Inis na sabi niya sa akin habang pinapatay ako sa tingin niya.
"Sorry. Nanggugulat ka, eh." Sabi ko habang pinupunasan yung nagkalat sa lamesa gamit ng pamunas na inabot niya sa'kin.
"What. She just likes you as a friend, I guess. My sister's straight, may I tell you."
Ay, wow. Sure na sure si bespren!
"Nagulat lang naman," Tumikhim ako. "Para kasing hindi siya yung klase ng tao na magkaka-amor sa iba." Palusot ko pa. Kaagad naman niya akong inirapan.
"Anong tingin mo sa kanya, bato?"
"Sinong bato?"
"South!" Sabay naming naisigaw ni North nang biglang lumitaw ang topic namin. Nataranta kami, eh.
Tiningnan ko si Bata. Hmm, halatang katatapos lang maligo. Basa pa ang buhok.
"Ah, eh, wala 'yon." Sabi lang ni North habang ngumingiti-ngiti. Ayon na 'yon?
"Okay."
Wow naman. Wala ba talagang kahit anong curiosity sa katawan 'tong si Bata? Kaya naman pala hindi na gumawa ng palusot si North, eh. Instead, pinalapit na lang niya si South at sinubuan ito.
"Yum."
Napailing na lang ako at walang paalam na iniwan sila. Bahala na sila riyan.
Pumunta ako sa sala at naabutan 'yong kambal na tulog na. Ayos, ah, buhay prinsesa 'tong mga 'to.
Bumalik na lang ako sa kwarto nang ma-realized kong wala na rin akong gagawin. Tiningnan ko yung phone ko, may messages. Napangiti ako dahil galing 'yon sa mga kaibigan ko. Nag-aayang gumala.
"Ayos, ah, libre sila ngayon." Natawa pa 'ko habang umiiling. "Himala."
Since hindi naman ako busy ngayon edi pagbigyan na. Matagal na rin nang huli kaming nagkita-kita, eh. Ayos, makakagala na rin.
At makakalaya sa presence ni South...kahit saglit lang.
_____