Piqued -- "South, gising." Tinapik ko ng mahina ang pisngi niya, good thing dahil hindi siya mahirap gisingin. Tumingin lang siya sa'kin tapos yumuko. Ang seryoso naman nito. "Tapos na yung thirty minutes." Bulong ko sa kanya. "Oo." Medyo paos na sagot niya. Isa 'yan sa napansin ko sa kanya, medyo hoarse ang boses niya kapag bagong gising lalo na kung umaga. Nakuwento rin sa'kin minsan ni East na mabilis mapaos si Bata. "Jacket mo, oh." Sabi ko habang inaabot yung jacket nang makatayo siya pero inilingan niya ako. "Sa'yo muna." Hindi na 'ko kumontra at sinuot ulit ito, nilalamig din naman ako. Sinundan ko siyang maglakad hanggang sa makalabas kami sa woods-like property na 'yon na pinasukan namin. May nilapitan siyang bike na naka-park. Sumakay siya do'n at tumingin sa'kin, "Angkas

