***MARIE JHOY*** "Marie, gising na!" nakita ko si Aileen sa aking tabi nang imulat ko ang aking mga mata, napalingon naman ako sa bintana at doon ko napansing gabi na pala, kaya marahil ay ginigising na rin ako nito dahil sa oras ng haponan. "Napahaba pala ang aking tulog, Aileen, pasensya na sa inyo nina Manang Fe at Sarah, kayo na naman ang sumalo ng aking gawain," sagot ko at saka bumangon at naupo. "Ano ka ba? Ayos lang 'yon, nauunawaan naman namin ni Manang Fe eh, bumangon ka na diyan, para sabay sabay na tayo nina Manang Fe at Sarah kumain." sabi pa nito, tumango naman ako saka bumangon. Dinamapot ko ang aking cellphone at nakita kong may isang text, nakita kong si Myra pala 'to, ang aking bestfriend, pero 'di ko na binuksan pa ang message nito, at mamaya ko na lang babasahin, sa

