Chapter 2

1000 Words
Alexa's POV It's a last day today at sembreak na simula bukas. Pag uusapan na din namin ang mga dapat dalhin sa camping. Nandito kami lahat sa room para ipasa yung research na pinagawa ni Sir. Max. Mukhang excited na sila para sa camping namin sa susunod na araw. Napaayos kami ng upo ng pumasok si Sir. Max. "Okay students, pass your research to Axel." Nagtayuan naman lahat at pumunta kay Axel para ipasa yung ginawang research. Di rin naman nagtagal si Sir at nagsabi lang na mag enjoy kami ngayong sembreak at lumabas na rin. Da best talaga si Sir. Sumunod naman si Axel sa kanya para dalhin yung mga research. Hirap talaga pag may posisyon sa school. Naglabasan na din ang mga kaklase namin na excited dahil sembreak na. Nagpaiwan kami kasi hihintayin pa namin si Axel makabalik. "So guys, saan tayo mag camping?." di ko namalayang nakalapit na pala sila sa akin. "May nakita ako sa f*******: nung nakaraan. Apat na oras ang byahe papunta doon." sabi ni Sandy. Napatingin naman kami sa kanya, basta aalis talaga kami naghahanap agad ito ng lugar. Wala talaga tatalo dito laging excited. "Anong pangalan ng camping site?." tanong ni Cristail. "Nighty Forest." sino naman kaya nagpangalan dyan. "Mukhang maganda dyan pangalan pa lang hahahha." "Okay, so set na. Anong oras tayo aalis?." tanong ni Vince. "Pwede na ng mga 10 am na para makarating tayo dun ng 2pm." Dumating na din si Axel. "Wag niyo kalimutan ang mga dapat dalhin okay, 3 days tayo dun." Pagkatapos namin pag usapan ang mga dapat dalhin at iba pa, napagpasyahan na naming umuwi para makapag ayos pa ng mga dadalhin. Andito ako sa kwarto ko para ayusin ang mga dadalhin sa isang araw. Kulang na lang ang pagkain, bukas ko na lang aayusin since mahaba pa naman ang oras bukas. Habang sinasara ko yung bag biglang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Alexa, kakain na tayo, bumaba ka na sa kitchen." si mom pala. "I'm coming mom." Bumaba na ako pagkatapos ko maayos lahat. "Anak saan nyo planong magbakasyon ngayon sembreak?." my dad asked. "Camping ang napagkasunduan ngayon Dad, sa Nighty Forest , 4 hours drive from here." "Okay, be careful Alexa. Ilang araw kayo doon?." "3 days Mom." "Okay, let's eat." Pagkatapos kumain nagpaalam na ako sa parents ko at umakyat na sa kwarto. Pagkatapos ko maligo ay dumiretso na ako kama para matulog. Di ko alam kung bakit kinakabahan ako sa bakasyon namin ngayon. Napaparanoid lang siguro ako. (Kinabukasan) Pagkabangon ko sa kama dumeritso na ako sa cr para maligo. After ko maligo bumaba na ako sa kitchen para kumain ng amusal. I checked the time 9am maaga pa. Maaayos ko pa ang dapat ayusin para bukas. Especially foods. Pagkatapos ko kumain pumunta ako sa stockan ng pagkain namin. More on biscuits lang naman ang kinuha ko doon at dumeritso na sa ref para kumuha ng pork and chicken. Nahati naman na kaya madali na lang dalhin at ilagay sa bag. Pagkatapos ko magayak lahat ng dadalhin. Napagpasyahan ko na lang na mag stay sa kwarto ko at manood maghapon. Sandy's POV Ito na ang araw na pinakahihintay ko. Papunta na kami sa Nighty Forest. I'm excited but at the same time I'm nervous, and i don't know why. "I'm exciteeeed" sabi ni Angelo. "Me too" Napatingin naman ako sa set up namin dito sa Van. Malaki ito kaya nagkasya kaming walo. Nasa driver sear si Vince at katabi nya si Axel. Kami naman nasa gitna nila Cristail at Jane, sa likod namin sila Carl, Alexa at Angelo na kanina pa maingay. Yung mga gamit naman namin nasa likod nila since malaki yung space doon. "Can you shut up Angelo? I'm trying to sleep here." sabi ni Carl ang antukin talaga nito kahit kailan. Napailing na lang ako ng ulo. "Hellooo, dapat masaya ang road trip natin, tulog ka kasi ng tulog." umiirap na sabi nito. "Come on, its too early for me, I'm not a morning person you know." "Whatever. Pagtiisan mo na lang ang mala dyosa kung boses." hahaha wala talaga kami magagawa sa gustong gawin ni Angelo. "Anong oras na ba?" tanong ni Cristail. "Its 12pm already." i said. 2 hours na lang at makakarating na kami sa Nighty Forest. Naisipan ko na lang na maglaro ng games sa cellphone ko at wag pansinin ang ingay ni Angelo. Sa sobrang libang ko sa kakalaro di ko napansing wala na palang nag iingay. Napatingin ako at nakita kung nakatulog pala sila lahat except kay Vince at Axel. I checked the time and its 12:55pm already matagal tagal din pala ako naglaro. Naisipan ko na lang din matulog para di ako mapagod mamaya agad sa paglalakbay namin sa Nighty Forest. Vince's POV "Natahimik din sila hahhaha." sabi ko kay Axel at lumingon sa likod upang tingnan ang mga kaibigan namin. "Finally, maayos na rin na makapagpahinga sila para di sila magreklamo mamaya sa paglalakad." sagot ni Axel. "Ikaw bro, di ka ba magpapahinga muna?." "Hindi na, hindi rin naman ako nakakaramdam ng antok." Nag usap lang kami ni Axel hanggang makarating na kami sa Nighty Forest. "We're here." sabi ko kay Axel habang tumitingin sa paligid. Tama ba itong napuntahan namin? Ang creepy naman. "Are we in the right place?." tanong ni Axel habang tumitingin tingin din sa paligid. "Maybe bro, may mga sasakyan din naman na naka park sa unahan natin eh." "Okay,we should wake them up, maglalakad pa tayo papunta sa camping site." Ginising na namin sila at bumaba na sa sasakyan. Dapat ba na nandito kami? Para kasing may mali. Iba talaga ang pakiramdam ko sa forest na ito. Nakakakilabot ang pakiramdam. Napansin kung parang medyo luma na yung ibang sasakyan na naka park dito. Weird. Napatingin naman ako sa iba at mukhang namamangha na natatakot din sila base sa mga nakikita ko sa mukha nila. Tama ba ang desisyon namin na pumunta dito? Di ko mapigilang tanong sa sarili ko. Wala ng atrasan ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD