Chapter 3 Rights

3057 Words
Back to Present Time… “Lilian, I think it’s time for you to go home,” marahan pero diretsong sabi ni Lola Mel habang nakaupo sa couch, nakadekwatro ang mga hita, hawak ang isang tasa ng tsaa. Nasa tabi niya si Don Ernesto na nagbabasa ng dyaryo pero obviously nakikinig din. Natigilan si Lilian saglit. Kita sa mukha niya ang pag-aalinlangan, parang gusto niyang kumontra pero alam niyang wala siyang laban. “Ah… pero Lola, I mean Doña Carmela, I was thinking sana to stay a bit longer, you know, stay with Randall kasi masama po talaga ang pakiramdam ko,” pilit siyang ngumiti, kahit ramdam ang tensyon. Ngumiti si Lola Carmela pero hindi bumitiw ang tingin. “Kulang pa ba iyong sampal ko sa iyo, hija?” Nanlaki nag mga mata ni Lilian at napahawak pa sa pisngi niyang nasampal kanina. Bahagya siyang napaatras at tumingin kay Randall na wala ring magawa. “Besides,” pagpapatuloy ni Lola Mel, “we want to have a quiet, intimate meal with Randall and Trishna. Just us four. It’s been a while, and you know how busy everyone is. Family time, kumbaga.” “Umalis ka na, Lilian. Ayaw kong nai-stress ang mga grandparents namin ni Randall dahil sa iyo,” nakangiting saad ko. Tinaliman niya ako ng tingin pero lalo lang lumapad ang ngiti ko. “Leave! Now!” matigas na sabi ni Lola Carmela, habang inaayos ang hawak na pamaypay, “gusto kong makausap at makasalo ang apo ko at si Trishna sa isang maayos na almusal. Kaya Lilian, umalis ka na. Hindi ka kabilang sa pamilyang ito.” Napatda lalo si Lilian. Kita sa mukha niya ang pagkapahiya at galit na pinipigilan niya. “Pero… Lola Carmela, I’m not feeling well pa. Hindi niyo ba naiintindihan–” “Mas naiintindihan ko na wala kang karapatan dito,” putol ni Lola Carmela, malamig pero diretso ang boses. “Kung talagang may sakit ka, doon ka magpagaling sa sariling bahay mo. Hindi sa bahay ng lalaking may asawa.” “Pero si Randall–” muli pang tangka ni Lilian. “Enough!” singit ni Lolo Ernesto, inis na inis na. “Kung hindi ka aalis nang maayos, ako mismo ang kakaladkad sa iyo palabas. Naiintindihan mo ba?” Natahimik ang buong sala. Halos marinig ko ang sariling t***k ng puso ko habang pinagmamasdan si Lilian. Kita ko sa mga mata niya ang pamimilit na manatili, pero alam niyang wala na siyang laban. Dahil wala naman talaga siyang karapatan. Sa huli, marahan siyang tumayo at pilit na kinakalma ang sarili. “Fine,” bulong niya, pero ramdam ang poot sa tono. “Magpahinga muna kayo rito sa ilusyon ninyo. Pero hindi po mababago ang katotohanang ako ang mahal ng apo ninyo at hindi ang babaeng iyan!” tinapunan niya ako ng masamang tingin na para bang gusto akong lamunin nang buo bago siya tuluyang lumabas ng bahay, malakas ang tunog ng takong niya sa marmol na sahig. Napabuntong-hininga si Lola Carmela at saka muling bumaling sa amin. “Ayan, tapos na ang eksenang iyon. Ngayon, gusto kong umpisahan na natin ang masarap at tahimik na almusal kasama kayong tatlo.” Nilapitan niya ako, sabay marahang hinaplos ang balikat ko. “Trishna, hija, pakisabi sa kusina na maghanda sila ng espesyal na almusal. Para sa iyo, kay Randall, at para sa amin ng Lolo mo.” Napatango ako agad, at hindi ko napigilang mapangiti nang lihim. Sa wakas, umalis na ang linta. Kahit hindi ko ipagsigawan, kahit hindi ko sabihin nang diretso, ramdam ko… ako ang kinikilala nilang asawa, ako ang tanggap nila at hindi si Lilian. “Magpapaayos po ako agad sa kusina, Lola,” mahina kong sagot pero puno ng respeto. Tumalikod ako, halos madapa sa pagmamadali papunta sa kitchen. Pagdating ko roon, sinalubong ako ng mga kasambahay. “Ma’am Trishna, anong ihahanda po natin?” tanong ni Ate Darlene, ang head cook. Huminga ako nang malalim, pinipigil ang ngiti na gustong sumungaw. “Ihanda po natin ang mga paboritong pagkain ng dalawnag matanda. And make it good, ha? Gusto ko ay laging memorable ang pagsasalo namin sa kainan.” Nagkatinginan ang mga kasambahay, sabay tango na may mga ngiti rin sa mga labi. Para bang naramdaman din nila ang masayang ihip ng hangin. Habang pinagmamasdan kong inaayos nila ang mesa’t mga sangkap, hindi ko mapigilang damhin ang kakaibang saya sa dibdib ko. Kanina lang, halos hindi ko makontrol ang galit at sakit dahil sa presensya ni Lilian. Pero ngayon, alam kong kahit paano, nasa panig ko pa rin ang pamilya ng asawa ko na tunay na may malasakit sa akin. At doon ko lang naisip: oo, mahirap. Oo, masakit. Pero hindi ako basta-basta susuko. Hindi habang may laban pa ako bilang asawa ni Randall Cartier. Pagkatalikod ko mula sa kusina, nagulat ako nang biglang hatakin ni Randall ang braso ko. Hindi niya alintana kung medyo madiin iyon at nasasaktan na ako. Pinuwersa niya akong sumunod sa kaniya sa gilid ng hallway, malayo sa paningin nina Lolo’t Lola at ng mga kasambahay. “Anong ginawa mo, Trishna? Bakit kailangan mong papuntahin dito ngayon sina Lolo at Lola?” malamig at mariing tanong niya. Kita ko sa mga mata niya ang matinding galit, kulang na lang ay bumulagta ako sa harap niya. “Ano bang pinagsasabi mo, Randall?” sagot ko agad, medyo nanginginig ang boses. “Ni hindi ko alam na pupunta sila ngayon–” “Stop lying!” mahinang asik niya pero puno ng poot. “Hindi sila basta-basta pupunta rito nang hindi tayo sinasabihan. Hindi coincidence na dumating sila ngayon, at eksaktong nandito si Lilian. Ikaw ang may pakana nito, hindi ba? Sinumbong mo ako!” Nanlaki ang mga mata ko, halos hindi makapaniwala sa mga paratang niya. “Randall… bakit ko gagawin iyon? Ano bang mapapala ko kung sisirain kita sa kanila? Hindi ko gawaing magpahamak ng tao, at mas lalong hindi ko nga alam na papupuntahin mo rito iyang kabit mo!” Pero imbes na pakinggan ako, napailing siya nang patuya. “Hindi ka marunong umamin. Gusto mo akong ipahiya sa harap nila, gano’n ba? Pinaghandaan mo ‘to, Trishna. You made me look like a fool kanina.” “Hindi ko kasalanan na dinala mo ang babae mo rito, Randall!” mabilis kong sagot, ramdam ko na nangingilid na ang mga luha sa mga mata ko. “Kung alam mo lang kung gaano ako nasaktan kanina nang makita ko si Lilian dito. Wala akong kinalaman sa pagdating nina Lolo at Lola. Besides, walang justification ang ginawa mo kahit hindi sila duma–” “Enough!” galit niyang putol. Tila ba bawat salita niya’y patalim na tumatagos sa puso ko. “Tigilan mo na iyang drama mo, Trishna. Palagi ka na lang may paawa effect. Kung hindi mo kayang tanggapin na si Lilian ang mahal ko, then leave. Pero huwag mong ginagamit ang mga lolo’t lola ko para kontrolin ako!” Daig ko pa ang sinampal sa magkabilang pisngi sa narinig ko. Kaya naman hindi ko napigilan ang pag-igkas ng kamay ko at nasampal ko siya. “Ang kapal ng mukha mo, Randall! Ikaw na nga itong nanakit sa akin, ikaw pa ang may ganang mambintang!” tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Kita kong napalunok siya. Hindi ako sigurado pero parang may nabanaag akong dumaan na awa sa mga mata niya. Saglit lang iyon kaya hindi ako sigurado. “I used to like you for your innocence and good heart, Trishna… pero mukhang nagkamali ako ng akala sa iyo! The moment you agreed with my grandparents to marry me, was also the moment you ruined my trust!” pahayag niya. Hindi siya sumisigaw, pero sapat pa rin ang mga salitang iyon para durugin ang puso ko. Ilang beses akong napalunbok habang pinipigilan ang humikbi. Ayaw kong magpakita ng kahinaan kahit sobra na akong nasasaktan. “Randall…” mahina kong bulong, nanginginig ang mga labi. “Bakit mo iniisip na kaya kong gawin iyon sa iyo? Kung galit ka man sa sitwasyon natin, fine. Pero ‘wag mo naman akong gawing sinungaling. Hindi lahat ng nangyayari ay kagagawan ko.” Natawa siya nang mapakla, umiling na parang hindi makapaniwala. “You’ve always been pretending, Trishna. Acting nice, acting innocent and sweet. Kaya ka gusto nina Lolo at Lola, maging ng mga magulang ko. Pero ako? I see through you. I know exactly what you’re trying to do.” Ramdam ko na ang pisngi ko ay punung-puno ng luha pero hindi ko mapigilan. “Hindi ako nagpapanggap, Randall. Kung alam mo lang kung gaano kita–” Naputol ang pagsalita ko nang makita ko ang malamig na ekspresyon sa mukha niya. Hindi niya iyon gustong marinig. Hindi siya interesado. “Save it,” malamig niyang sagot, sabay bitiw sa braso ko. “Maghanda ka na lang ng almusal. That’s what you’re good at… pleasing other people. But don’t ever think you can manipulate me.” Tinalikuran niya ako at iniwan doon, habang ako naman ay nakatulala, pilit pinipigilan ang hagulgol na gustong kumawala mula sa dibdib ko. Para akong paulit-ulit na sinaksak ng kutsilyo sa dibdib. At sa sandaling iyon, lalong tumibay ang isang bagay sa isip ko: kaya ako kumakapit nang husto, kaya ako ayaw bumitiw, ay dahil sa mga alaala noon na ibang-iba sa lalaking kaharap ko ngayon. Pero hanggang kailan ko kakayanin? Hanggang kailan ko ipaglalaban ang pagmamahal ko sa kaniya? Third Person POV Sa paglabas ni Lilian mula sa mansyon nina Randall at Trishna, halos sumabog sa galit at pagkadismaya ang dibdib niya. Hindi man lang siya inalok ni Randall na ihatid… ni hindi tumawag ng driver para sa kaniya. Kahit sa harap ng mga lolo’t lola nito, pinabayaan lang siyang umalis na para bang isa lang siyang bisitang walang halaga. Pinilit niyang hindi ipakita ang kahihiyan kanina, pero habang nag-aabang ng taxi sa labas ng gate ng mansyon, pakiramdam niya’y lahat ng guwardiya at kasambahay na nakakita sa kaniya ay lihim na nagtatawanan. “Walanghiya,” bulong niya sa sarili, pilit na pinupunasan ang sulok ng mata para hindi tuluyang umiyak. Hindi puwede. Hindi ako puwedeng magpatalo kay Trishna. Pagdating niya sa apartment na inuupahan, agad niyang napansin na may nakaparadang kotse sa tapat… pamilyar na kotse. May mga guwardiya rin sa paligid kaya mukhang may ideya na siya kung sino ang nasa loob. Kinabahan siya, at nang pagbukas niya ng pinto, halos mabitiwan niya ang handbag. Tama nga ang hinala niya. Naroon ang Daddy niya, si Congressman Julito Galleges, at ang kuya niyang si Mayor Doniel Galleges. Kapwa nakaupo sa sofa, kumakain ng mga prutas na dala ng kanilang driver. Pagkakita sa kaniya, agad na kumislap ang mga mata ng kanyang ama. “Finally, you’re here, hija!” masiglang bati nito, pero bakas ang tensyon sa boses. “So, kumusta? Nakausap mo na ba si Randall? Nakuha mo ba ang dalawampung milyon na hinihingi ko?” Parang tinapik ng malamig na bakal ang dibdib ni Lilian. She forced a smile, pero bakas ang kaba. “Daddy… hindi pa po. Hindi ko pa naibabanggit. Busy kasi siya kanina kasama ang grandparents niya. Bigla pong dumating kaya hindi ako nakasingit.” Isang malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ng kuya niya, kasunod ng pagbagsak ng kamay nito sa sandalan ng sofa. “Ano ba naman, Lilian! Ang dali-dali ng trabaho mo pero hindi mo pa magawa. Ang tagal na naming hinihintay ito, kailangan na kailangan na namin ng pera. Kung hindi ka kikilos, baka tuluyan nang ma-freeze ang mga account natin!” “Kuya, sinusubukan ko naman–” “Sinusubukan?!” singit ng Daddy niya, agad na napalakas ang tono. “Lilian, ilang taon ka naming sinuportahan. Magmula ulo hanggang paa, lahat ng luho mo suportado namin! Designer bags, kotse, condo, lahat! Ngayon na kami naman ang may kailangan, wala kang maibigay? How useless can you get?!” Napahinto siya, parang binuhusan ng malamig na tubig. Ang salitang ‘useless’ ay tumatak nang diretso sa dibdib niya. “Daddy, I love Randall, okay? Hindi lang ito pera para sa akin–” Ngunit tumawa nang mapait ang kaniyang kuya. “Love? Huwag mong idahilan ang pagmamahal na iyan. Alam naming mahal mo siya, pero mas kailangan ka naming kumilos para makuha natin ang pera. Habang may impluwensya pa si Randall at napapaikot mo pa siya sa mga palad mo, gamitin mo na. Kung hindi, wala kang silbi.” Napalunok si Lilian. Hindi niya alam kung alin ang mas masakit… ang panlalait ng sariling pamilya, o ang katotohanang tama sila. Totoo namang kailangan nila ng pera, at siya lang ang may paraan para makuha iyon. Tahimik siyang naupo, hawak-hawak ang bag, pilit pinipigil ang luhang kanina pa nagbabantang bumuhos. Sa loob-loob niya, naglalaro ang dalawang bagay… ang desperasyon ng pamilya niya at ang pride na ayaw niyang isuko. “Nahihirapan pong makipaghiwalay si Randall sa asawa niya dahil suportado ito ng pamilya niya,” namomroblemang pag-amin ni Lilian. Umirap at napapailing ang Kuya Doniel niya. “Mahirap ba iyon? Sirain mo ang pangalan ng babaeng iyon sa harap ng pamilya ni Randall. That’s the easiest way to set them apart!” Napasinghap si Lilian. Biglang nangislap ang mga mata niya. Mayroon na siyang naiisip na paraan at alam niyang maging si Randall ay sasang-ayon kung sakali. Napangiti siya nang muling bumaling sa kapatid. “Thanks, Kuya! You just gave me a nice idea. Maybe, all we need is a man in Lilian’s bed. And everything will turn into my favor…” lumapad ang ngiti ni Lilian. Ngayon pa lang ay excited na siyang ipahiya si Trishna para makaganti sa dinanas niya ngayong araw. “Alright,” tumayo na ang Daddy niya. “Make sure to produce the money within this week, Lilian. It’s urgent!” Napalunok muli si Lilian at kabadong tumango. “Y-Yes, Dad…” Tumayo na rin si Doniel. Sinulyapan pa siya saka makahulugang ngumiti. “Makinig ka, Lilian. Kung talagang mahal mo ang pamilya mo, gawin mo ang kailangan mong gawin. Huwag mong hayaang bumagsak ang pangalan natin dahil lang sa hindi ka marunong kumilos.” Pagkatapos ay umalis na sila sa apartment niya. “Kung ganito rin lang, kailangan ko talagang mas lalo pang kumapit kay Randall. Kahit ipaglaban ko pa siya laban sa asawa niya, kahit isipin pa ng lahat na wala akong hiya. Wala na akong choice.” Bulong niya sa sarili. At doon tuluyang nabuo ang desisyon sa isip ni Lilian. Kung dati ay dahil sa damdamin kaya siya kumakapit kay Randall, ngayon, mas malalim ang dahilan: para sa pangalan nila, para sa pamilya, at para sa survival. Kaya sa mismong apartment na iyon, ipinangako niya sa sarili… Kahit anong mangyari, hindi ko hahayaang maagaw ni Trishna si Randall. Sa akin siya, at sa akin lang dapat mapunta ang perang mamanahin niya sa pamilya niya. Sa kabilang banda, Brixton Morris slammed his fist against the headboard, his chest rising and falling with pure rage. The sunlight seeped through the massive glass windows of his master’s bedroom, catching the sharp angles of his face. He was the kind of man who didn’t just enter a room… he dominated it. Pero parang may kulang… ang inaasahan niyang makita paggising niya ay wala sa tabi niya. At thirty four, Brixton was tall and broad-shouldered, his body honed by years of intense training in mixed martial arts and sportscars’ fast-paced lifestyle. His jawline was sharp, his nose straight, and his dark, stormy gray eyes carried both danger and allure, the kind of gaze that could freeze anyone in their tracks. His raven-black hair, slightly tousled from last night, only made him look more untamed. He exuded wealth and power effortlessly… the Morris family’s billions were etched in his tailored suits, imported watches, and the intimidating aura that never left him. Pero sa pagkakataong iyon, nakahilata lang siya sa king-sized bed na magulo pa mula sa nakaraang gabi. At ang mas nagpapainit ng ulo niya? Wala na roon si Trishna. “Where the f*ck is she?!” His voice thundered through the room, enough to make the two maids by the door flinch. “Paano niyo hinayaang makalabas siya? Wala bang nagbabantay sa pintuan?!” One of the guards tried to explain, nanginginig pa habang nakatayo. “S-Sir, kanina po, uhm… we didn’t stop her from leaving. Wala namn po kasi kayong ibinilin na–” “Bullsh*t!” Brixton cut him off, his gray eyes burning with fury. Mabilis siyang bumaba ng kama at tumayo sa harap nila. Ni hindi niya alintana ang kahubdan niya. Napalunok ang mga babaeng katulong at umiwas ng tingin. Hinintay lang nila hanggang sa maisuot nito ang black sweatpants niya. He looked every bit the predator pacing inside his cage. “She was supposed to be here beside me when I woke up! Hindi siya basta-basta lalabas ng bahay na ito nang wala man lang nagsasabi sa akin. So don’t you f*cking tell me you didn’t stop her!” Yumuko ang mga kasambahay, halatang takot, may luha na rin sa mga mata nila. Tumayo naman nang matikas ang mga guwardiya… alam na alam nila kung anong klaseng tao si Brixton Morris. Hindi siya iyong tipong nagpapalampas ng pagkakamali. Napakamot si Brixton sa ulo, kita ang inis. Paulit-ulit bumabalik sa isip niya ang nangyari kagabi… ang malambot na balat ni Trishna, ang mga labi nito na kahit gaano katagal niyang hinalikan ay hindi siya magsasawa. How she moaned when he was able to take away the pain of breaking her virginity. Yes! He was her first, and that made him more possessive of her. He wanted more, and he wanted her to be his forever. “She f*cking slipped away,” bulong niya, halatang hindi makapaniwala pero puno ng pananabik na makasama itong muli. Mabilis siyang lumingon sa mga tao niya, halos mapasinghap sa takot ang mga ito. “Get out of my sight right now! Baka kung ano pang magawa ko sa inyo!” “Yes, Sir!” sabay-sabay na sagot ng mga tao niya at halos sabay-sabay din na nag-alisan sa kuwarto. Naiwan si Brixton, mahigpit na nakakuyom ang kamao niya. His lips curved into something between a smirk and a snarl. “You can run, sweetheart… but you’ll never escape me. Not after last night. You’re mine, and no one will take you away from me!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD