18

2043 Words
--ST 18-- ARA’s pov Hindi ko naman matiis na iwan ulit tong si Baks. Nabadtrip na siya sa akin nung umaga. Hays. Nakitabi na ako sa kama nita. Hindi pa naman to tulog sigurado akong nagpapalipas siya ng sama ng loob sa akin. Nakatalikod siya. “baks… hindi naman ako makatulog…” Hindi niya ako inimik. Siniksik ko nga siya sa gilid para pansinin niya ako. Kainis to. Napapanis na ang laway ko ah. Mag-10pm pa lang naman kasi. Hindi pa ako inaantok. Pssh. “baks naman e…”tinulak ko na nga. Humarap siya sa akin pero nakapikit lang siya.”anglikot mo victonara…” Shems. Yun lang ang masasabi ko. anglapit ng mukha niya sa akin. bakit biglang nag-skip ang pagtibok ng puso ko. angputi ng bakulaw, pati labi niya pinkish red. Pssh.. hala Ara tibo ko ba? Nagdoubt sa sarili? Psh. “natitibo ko na naman Ara…”she smirked. Tinampal ko nga.”bueset ka bakulaw… kanina mo pa ako pinagtitripan ah…” Bigla siyang naupo.”hindi pa ako antok bansto e..ikaw kasi mas gusto mong kasama yung monster kesa sa akin…” “nagselos?hahaha..hala hindi bagay sayo baks…” Ipinatong niya yung unan sa lap niya at dun ako umulo. Pinaglalaruan niya yung kamay ko na parang minamasahe. “kasi naman noh..nawala lang ang bestfriend mo ng ilang araw may bago ka ng flavor of the month…” “OA…anong flavor of the month yan…” “flavor of the week?hehehe” “baks,,,,” “oh bakit?”sagot niya. “nakikita ko ang brains mo mula sa ilong mo oh.hahahaha”biro ko sa kanya dahil mula sa pagkakahiga ko ay kita ko ang butan ng ilong niya. Itinakip niya ang kamay niya sa mukha ako. Psh. Kuya..bakit ganito? Nakukuryente naman yata ako. Ipinikit ko na nga lang ang aking mga mata. Ganito kasi ginagawa niya pag hindi ako makatulog tinatakpan niya ang mga mata ko ng kanyang palad hanggang makatulog ako. Tapos pinatugtog niya yung phone niya. Angdaya ko lang no hindi to makakatulog e. NP:  HOW TO LOVE (COVER NI YENG)[ADIK KASI SI AUTHOR NAALALA YUNG ISANG STORY NIYA.HAHAHA) “pampatulog ba yan?”reklamo ko. “oo…pilit mong matulog..” Hindi ko na rin naman namalayan na nakatulog na ako. Nagising na lang ako na nakaayos na ng pagkakahiga at nakayakap kay Mika… O_____O Ulit? Nakayakap kay MIKA???? Nakayakap rin siya sa akin. nyay? Halla.biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Gigisingin ko ba tong bakulaw? E kaso pag ito ginising ko at kulang pa ang tulog niya makakatikim ako ng bagsik ng bakulaw e. parang anghinhin ng bakulaw oh.hahaha… baks..gondo mo.kainis. Ngayon ko lang to naramdaman lagi naman tayong magkasama pero bakit ngayon parang nakakailang ang titigan ka? nung parang magigising na siya at ipinikit ko ulit ang aking mga mata. E ayokong mahuli niyang nauna akong nagising noh isipin nito pinapantasya ko siya. “morning Ara..”narinig kong bati niya sa akin. naramdaman kong niyakap niya ako ng mahigpit,”thankyou…” Nagmulat na ako ng mga mata.”eee? korni ng umaha mo baks… may yakap yakap pa?” Ngumiti lang ito.”pikit ka na lang ulit…maganda ka pag nakapikit e.haha” Tingnan mo to umagang-umaga binibisyo ako. Wait lang.angsikip. “bitaw na baks?? Chansing na yan oh…” “ayoko nga…. E utang mo to sa akin kasi nagtampo ako kahapon…” “so dapat chachansing? Matitibo ka na naman sa akin eee..hahaha” Sunod-sunod na katok na naman si Cienne. Buti naka-lock yung pinto e. hindi agad nakapasok si Cienne. May ugali pa naman yun na bigla-biglang papasok ala-ninja. “oh tama na ang chansing bakulaw… si cienne nay an…” “fine..bansot..guluhin mo yung kama mo.hahaha..” E siya naman ang tumayo para guluhin yung kama ko. e itong si cienne nga kasi kung mag-observe wagas lang e. Napapailing na lang ako sa ginawa niya. “arte mo? malisya lang talaga Mika?” “LUUUH mabuti na ang safe no…” Ako na nga ang nagbukas ng pinto. Bumungad sa akin si Cienne nan aka=pajama pa at nakataas ang buhok. Hoho. Parang ewan. “uso ang suklay Cienne.hahaha” Nagsimangot ito. saka pumasok at humiga sa kama ko. nakadapa siya.”ARamylabs…sakit ng ulo ko…” “magkape ka kaya…”pananabla ni Mika. “psh..o kayo musta ang bahay-bahayan niyo kagabi? “ O_____________O hala? Anong nakabuo ang pinagsasabi nito? Naupo siya.”oh sagot na?” Hinampas siya ng unan ni Mika,”kaaga-aga mong mambueset Cienne ah…” Napahawak ito sa ulo.”e panu kasi may nalalaman pa kayong lock ng pinto…e hindi naman kayo naglalock dati ah…”ngisi nito. Tssss.. Isa siyamg malisyosang singkit talaga. “kumusta lakad niyo kagabi?”pag-iiba ko na lang ng topic habang nililigpit yung kumot ni Mika. “ok lang… uhm magkatabi kayon natulog?” O_______O ulit kami ni Mika. “kung anu-ano ang iniisip mo naman cienne…”depensa ko na naman. She smirked,”wooot?sinong tibo sa inyong dalawa? Ha? Ha? Umamin nga kayo…”sabay lapit niya kay Mika.”ikaw ba mika? Hehehe” “lumayo ka nga sa akin… nakakainis ka na a…”napipikon ng sagot ni mika. Niyaya ko nang lumabas si Cienne dahil namumula na si Baks. Hindi ko alam kung sa pikon or kinikilig.hahah.angsama ko. Nang nasa labas na kami ng pinto ay binalikan pa siya ng tingin ni Cienne.”ui Mika…aagawin ko SI Ara sayo.hahaha.”sabay takbo. Ako tuloy ang natamaan ng unan na binato ni Mika. Pinabayaan ko na nga dahil kawawa naman ang bakulaw namumula na e. --- Paalis n ulit kami ng dorm. “susunduin ako ni VIo…sabay ka na?”alok ni Cienne. “ako na lang kasabay ni Ara… same way naman kami e…”sabat ni Mika na pababa na rin. “weeh?? Binabukan..gf mo the?hahaha”pang-aasar ni Cienne. “cienne tama na nga yan…”saway ni Kim sa kanya.”makisabay na rin ako sa inyo Ara…” “eee? Hindi ka sasabay kay Cienne?”usisa ko. Ngumiti lang to pero lam king pinepeke lang niya.”gusto ko kayo kasabay e…”nauna na ulit siya palabas. “may nangyari ba kagabi?”usisa ko kay Cienne. Si Camille ang sumagot,”wala… walang makapagsasabi kung hanggang kailan matitiis ni kim ang selos.hahahaha” “mika ano ba? Papasok ba kayo?”sigaw ni Kim sa labas. Napailing si Mika at lumabas na rin. “wala akong ginagawang masama…”depensa ni Cienne. Sinundan ko na rin si Mika. Makakasalubong naming sina Rence. Naging black na naman ang aura ni Mika oh. Si ate Kim naman wala lang imik. “hello Ara….”bati sa akin ni Den.”sayang wala ka kagabi..angsaya sa mint..” “ok lang….uhm sina Cienne ba?” Tumango si VIo. “hinihintay kayo…”sagot ni Kim. “ok thanks…”tugon ni Vio. Nagtuloy na lang rin kami sa may waiting area.parang hindi naman talaga feel pumasok nitong si Ate Kim e. oh de damayan na lang namin. Inilabas ni Mika yung breakfast sana naming. Pare-pareho kaming walang gana kanina e. “picnic lang ba to?hahaha”tawa ko. “salamat ha…”said Kim saka sinimulang kumain. “whkadoaldaiy”—si mika yan.hampas lupa kung kumain ae nagawa pang magsalita. Tiningnan ko siya nang masama. Nilunok niya yung pagkarami-raming laman ng bibig niya at nagpeace sign.”hehe.sorry… uhm…ok lang noh…angsakit ba kim?hehehe” “sige pa… palibahasa hindi ka pa nagmamahal kaya ganyan ka…”sagot ko dito. Natahimik ang bakulaw. Mula sa di kalayuan ay tanaw naming sina Ate Cha at Ate Mich. Pagala-gala lang rin oh. Kumaway sila sa amin at papalapit na rin. “di niyo sinabing may picnic…hehe”komento ni ate mich at sumubo mula sa lunhbox ko.”wow..sarap…bakit dito kayo kumakain?” “e sinumpong ng kawalang-gana e…”tugon ko Mika. “san yung kambal?”tanong ni ate cha. “paalis na rin siguro ng dorm..sinundo nung tatlo e..”ako na nga ang sumagot dahil itong si kim e panay lang angkain. “tsss..tinotoo yung sinabi kagabi ah…”ngumisi si ate Cha. “anong sinabi?”usisa ni Mika. “medyo may nangtrip kasi sa min kagabi… type yata si Cienne… e hayun… pinatulan agad nito si vio nung hinaharass na siya… sapul nga e… nadugo ang ilong… pero yung isa parang matindi ang tama e... nagkagulo na rin kaya umalis na kami “ “tapos?”e nabitin nga ako sa kwento niya e. “hayun… magiging personal bodyguard na nga lang daw siya ni cienneloo.hahaha..” “tara na? tapos na akong kumain.”tumayo na si ate Kim. “ui kimikimi..sabay na tayo…same way naman e…”alok ni ate Cha sa kanya. Tumango lang si Kim. Nang makalayo sila at lumingon si ate cha at sumenyas na siya na daw bahala. nilligpit na ni Mika yung pinagkainan namin.“hatid mo ko baks?” tumango ito.”buti hindi ka sumama kagabi noh? Baka harassin ka rin…” “sus…sa mukhang to? Iisa lang manghaharass dito noh..hahahah” “huh? Sino naman yun.”nagtataka niyang mukha. Ngumisi ako. “ikaw ..hahaha” “luuh…feeling mo rin bansot noh…mas makinis nga ang mukha ko sayo oh..”kinuha niya yung kamay ko at idinampi sa mukha niya. Agad ko itong binawi. Shet. Ayoko ng ganun. Nakakainis. Nakakaconfuse. >_< “tara na… miss ko si Rence.hahaah”makabawi man lang sa bakulaw na to. Halatang ayaw niya kay Rence e. Oh hayan na nagiging gray na ulit ang aura niya.hahaha. umakbay siya sa akin.”bansot… next time you mention that name make sure hindi mo ako kasama…she’s so annoying…” Tinanggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin.”baks… kilalanin mo rin kasi yung tao… mabait kaya siya…” “huwag mo ngang ipilit sa akin…I don’t like her…and her friends..period.” Oh de wag niya. Ako pa ba ang pipilit dito e kung ano ang gusto niya yun ang masusunod. Nasa tapat na kami ng classroom. Angdaming estudyante sa labas ng mga katabi naming klase. Bale apat na classroom ang may mga nag-uumpukan sa labas. “anong meron?”tanong ko dun sa isa. “ah wala…may inaabangan lang sila…” “so hindi ka kasali?” Umiling ito. “sino daw ba?” “yung tatlong transferees… yung kulay blue ang buhok… “ “bakit? Anong kasalanan niya?” Sumabat yung babae na ang-ikli ng skirt,”hai naku girl… anglaki… yung nakaaway pala nila sa bar kagabi kapatid ng karate do senior. hayun oh…”turo niya sa isang lalaki na nakatambay sa tapat ng classroom naming. “ah okei…”said Mika. Tumuloy na lang kami sa classroom naming. Nakapasok na ako at akmang aalis na si Mika nang hinarang siya nung lalaki.”Mika Aereen?” “yeah why?”narinig kong tugon ni Mika. Walang anu-ano ay sinugod niya nung lalaki pero hindi nahirapang umiwas ni Mika. Eee? Marunong siya nun? Di nga? “anong problema mo ba ha?!”sigaw ni Mika. Nanlilisik ang mga mata nung lalaki.”muntik ng mamatay ang kapatid ko dahil sa inyo kagabi… hanggang ngayon nasa ICU siya…” MIKA’s POV Itinuro nung babae yung nag-aabang sa tapat ng classroom nina Ara. Nang makapasok na si Ara ay bigla niya akong hinarang ay sinugod buti at nakaiwas ako. Muntik nang mamatay ang kapatid niya? Dahil sa amin? Baka yung peke na mika ang tinutukoy niya. Susugod na naman ito, hindi ko siya pwedeng patulan dahil wala naman siyang ginagawang masama sa akin napagkamalan lang niya ako. Puro lang iwas ang ginagawa ko. “hindi po ako yun… nagkakamali kayo..” Pero para lang siyang baliw na sugod ng sugod. Kuya ginusto mo to ha. Sumugod siya ng suntok iniwasan ko yun at nahawakan ko siya sa wrist and twisted it on his back. I pushed him on the wall. “ayoko sa lahat yung isinisisi sa akin ang kasalanan ng iba…”pagalit na ang tono ko.”kanina pa ako nagpipigil ah… kung gusto mo ng away hindi dito nang Makita mo ang mika aereen na hinahanap mo…” “Marcaliñas!”sigaw rin ng isang pamilyar na boses mula sa di kalayuan. Hindi ko ito pinansin. “BAKSS….!”saka lang ako parang nahimasmasan nang marinig ko si Ara. Si Maam xerelyn pala yung isang pumipigil sa akin. lumapit ito saka ko lang niluwagan ang hawak ko dun sa lalaki. Then came the three posers. “anong nangyari?”inosenteng tanong ni Den. Tiningnan ko lang ng masama si Rence saka ako umalis. Hindi ko namalayang kasunod ko si Ara. “baks ano ba ..bagalan mo nga ang paglalakad…” “look… pumasok ka na sa klase mo… ok lang ako…” Mas binilisan niya ang paglalakad hanggang nasabayan niya ako.”nag-excuse na ako… kung ano man yang kinaiinisan mo dadamayan muna kita…” Tumigil ako at hinarap ko siya,”hindi mo rin maintindihan Ara… aayusin ko to mag-isa… balik ka na dun…” Ginagap niya ang magkabilang pisngi ko.”namumula ka sa galit baks… balik na muna tayo sa dorm… “ Para lang akong na-stunned nang makita ako ang pag-aalala sa mga mata niya. It really makes me feel for guily for lying to her. Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa mukha ko. “im okay… sige na… pumasok ka na ..huwag mo akong intindihin…” “sigurado ka baks?” Tumango ako. ”sige… e sabay na lang tayong maglunch… “ “sige…” Hinatid ko na lang siya ng tingin. Yung mga estudyanteng nakasaksi sa nangyari kanina pakiramdam ko pinagtitinginan ako. Pssh. Angsarap pala sa pakiramdam yun kahit papano nailalabas mo ang sama ng loob mo. sorry na lang si kuya. Nabiktima lang siya. Nang kumalma ako ay pinuntahan ko si mam xere sa office niya. “what brought you here?”seryoso nitong tanong. “please make it a point na maisaayos ang bill ng kapatid niya… let the best doctors on jimenez hospital attend to his needs… tell them kalahati lang ang singilin sa fees… “ Maam xere smirked.”good Samaritan Mika?” “buhay ng tao ang pinag-uusapan dito… just don’t tell the family kung sino ang tumutulong sa kanila… “ Tumango lang ito.”Mika… si Victonara do you care for her?” I nodded. “she also cares for you…kita sa mga kinikilos niyong dalawa…” I put a fake smile,”as much as I wanted to… kailangan kong pigilan… “ “yeah I know… but sometimes you have to break some rules Mika…” “alam ko po… I still have a lot of things to fix… hindi ko pa nasabi ang katotohanan sa kanya plus may mga leche pang lumitaw na nagpapanggap na ako…”saka ako lumabas ng opisina niya. Kalmado na ako. Tinwagan ko si ate Jane para iinform tungkol dun sa nabugbog nina Rence kagabi. Naintindihan naman daw niya. Siya na daw ang bahala sa bagay na yun. ---      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD