ST 43 ARA’s pov Pagkauwi namin sa dorm ay nakagayak sina ate cha at ang kambal. “saan kayo pupunta?”usisa ko. “uuwi sa mga pinamamahal naming pinsan…”tugon ni Cienne. Piningot niya si Kim na panay ang suklay.”hoy ikaw yam…huwag na huwag kong mababalitaang nambababae kayo ni ate Rhyck ha..” “aray naman…”sigaw ni Kim.”malamang pagod ako makukuha pa naming gumala?” “ah so pag hindi ka pagod mambababae kayo?” “ikaw nagsabi niyan.”ngisi ni Kim. Nalungkot naman ako bigla. Ako lang maiiwan sa dorm. E kena ate MIch na lang ako matutulog mamaya. Pumunta lang ako sa kwarto para ilagay yung mga gamit ko at mangangapit-dorm na ako. Kumatok si Mika sa nakabukas na pinto.”moy… ready ka na?” “eee? Ready san?” Pumasok siya at naupo sa kama ni Kim.”sasama ka sa akin… wala kang kasama dito mamaya

