ST 16
ARA’s POV
Monday it is!! Unang araw ng pasukan sa sem na to at ang-aga ko.hahaha.8:30 pa ang klase ko pero andito na ako sa campus. Wala pa kasi akong kasama sa dorm no. pag ganito siguradong nagliliwalis pa yung iba. Kwentuhan dito kwentuhan everywhere pa.
“hindi ka naman excited Victonara S. Galang?”ngingisi ngising tanong ng kaklase ko.
“sakto lang… ni ka ba… sexy daw nung instructor natin sa Physical Education e..hahahah”biro ko dito.
Nanlaki ang mga mata niya.”talagaaa?” ganito ba talaga
Tinampal ko ang noo nito.”diyan ka magaling.hahaha.”
Nakatambay kami ngayon sa may waiting area sa tapat ng canteen. Naamoy ok yung spaghetti na niluluto nila. Hmpf. Saka na ako kakain ng spaghetti pag pumasok na si Baks. Para pwede akong mamili kung saan resto.hoho.angdami niyang utang sa akin na dapat bayaran noh.
Puntahan ko na lang daw muna si Cienne sa Botanical Garden. Hinintay niya ako sa labas ng science department.
“goodmorning Aramylabs…”bati niya sa akin.
“morning cienneloo…”tugon ko sa kanya.”bakit mo pa ako hinintay dito? E lam ko naman kung saan ang botanical garden noh…”
Hinigit niya sa ko sa kaliwang braso.”e may ipapakita ako sayo…”
Napunta kami sa likurang bahagi ng SCIENCE department.”anong meron dito?”usisa ko.
“ewan ko rin… may nag-iwan kasi ng susi sa tapat ng bahay nung isang araw..tapos may sulat… ang nakalagay dun pumunta daw ako sa botanical garden ng science department… tapos buksan ko daw yung isang greenhouse…e ito lang naman yung greenhouse dito na nakalock e…”
“eee? Paano pag may multo diyan?”
Tiningnan niya ako nang parang nang-aasar.”ui takot siya.hahaha… wala naman siguro noh”
“ewan ko sayo…ikaw na madaling magtiwala no..mamaya kung anong joke lang yan e…”
“susubukan lang naman noh…”saka niya ipinasok ang susi sa lock ng greenhouse.
Nanlaki ang mga mata naming sa ganda ng paligid. Angdaming ornamental plants at may mga upuan at tables na rin. Parang magandang tambayan dito.
Nilapitan naming yung malaking istatwa ng dalawang anghel na may tig-isang pakpak.
“eee? Ano yan?”usisa ko. kung bakit kasi tig-isang pakpak lang sila no. peo cute naman. Dalawang babae yung anghel. Maghawak sila ng kamay at nakatingkayad para lumipad. “paano yan lilipad kong tig-isa lang ang pakpak no?”heto na naman ang malditang side ko.
Tinitigan yun ni Cienne,”they will fly hand in hand to reach heaven…”
“eee? Kailan ka pa naging korni?hahaha”
Nakatingin pa rin siya sa istatwa,”ewan ko..parang yun lang ang nababasa ko e…”
Nilibot naming ang buong garden. “ganda naman dito… “
“oo nga e…sayang nga hindi tayo pwedeng tumambay dito…”
“ha? Bakit naman..angselfish mo naman…”
“eeee hindi ako…kasi sabi dun sa sulat kami lang magkakapatid ang pwedeng tumambay dito..”
“ha?e bakit mo ako dinala dito? Adik ka ba?”
Ngumiti ito.”di pa kasi ako tapos… e kasi pasaway naman ako diba? Saka isa sa pinakamahalagang tao sa amin…kaya pwede ka na rin dito.hahahahaha”
>___<
Hindi ko naubos yung egg pie.
“bakit hindi mo ubusin?”biglang tanong ni Rence.
“ha? Ayoko na..wala akong gana e…”sagot ko sa kanya.
“cienne… tawagan mo nga si MIKA…sabihin mong nag-iinarte sa pagkain tong isang to…e siya pa naman nagpabili niyang para kay Ara…”utos ni Ate Cha.
“ha? E..huwag..ubusin ko na…”nag-aalala kong pinigil si Cienne. At isinubo ko yung eggpie sa plate ko.
Ngumisi si Ate Cha.”hahahaha..takot kay Mika…”
“eee… kasi naman… naalala niyo yung hindi ko inubos yung binili niyang eggpie? Buong gabi kaya siyang nag-inarte…”nayayamot kong sagot sa kanya.
“ganung kaimportante yung Mika sayo?”tanong ni Rence.
Sasagot na sana ako pero biglang sumabat si ate Cha na naman.”OO BAKIT? MAY ANGAL KA?”
Tingin lang ang naging tugon ni Rence sa kanya. Bakit hingi umuubra ang ka-angasan nito kay Ate Cha.
Inawat ni cienne ang ate niya.”ate ano ka ba..Reyes yan ahy…baka mamaya patambangan tayo…”pag-aalala ni Cienne.
“wala akong pakialam…REYES ka ba??? You doesn’t look like one…”saka niya kinuha yung bag niya.”see you sa training mamaya...naalibadbaran ako dito…”saka siya umalis.
“ee sorry ha?”hingi ulit ng tawad ni Cienne.”bipolar nga yata yung ate ko e.”
Natawa lang si Vio. Naningkit na naman ang mga mata niya,”hehe..its okei cienne… mas maigi na ang masungit para may aamuhin..haha”
“ulitin mo nga yung sinabi mo?”kasungitan na naman ni Cienne.
Selos agad? Sa ate pa? haha.nangiti ako ng wala sa oras.
“why are you smiling?”pansin sa akin ni Rence.
“bakit? Masama? E nangingiti ako e…”pananabla ko sa kanya.”cienne… alis na nga muna tayo… check na natin mga classrooms natin…”
---
Sumunod pala ang tatlo sa amin.
“bakit kayo nakasunod?”naiinis na tanong ni Cienne.
“bawal? We’re gonna find our classrooms too…”sagot ni Vio.
LQ in the making ba to?
“help us.”sabi ni Den. Inabot niya kay Camille yung schedule niya.”please?”
Buti pa tong si Den e marunong makiusap.
Tiningnan ni Camille yung schedule niya. “pareho tayo ng sched…”kinuha niya yung schedules nung dalawa. Nangiti ito.”insedente ba to o sinadya?”inabot niya kay Vio yung schedule niya.”oh cienne kaklase mo yang si Vio… at ikaw victonara masanay ka ng kasama tong si Rence dahi kaklase mo siya pag MWF.”
O___O---ako.
Nangiti si Rence. Gustong gusto naman ng balat niya. Naghiwa-hiwalay na kaming tatlo. By pairs ang drama lang? tsss.
“no choice ka yata?”pagbasag niya sa katahimika.
“tingin mo?”pagsusungit ko.
Ngumiti lang siya.”atleast kasama ko yung crush ko no?”sabay kindat.
“malinaw na usapan Rence ha? Isantabi mo yang crush crush na yan…”
“oo na mam…”
Kailangan pa daw introduce ang sarili sa harap ng klase. Magkatabi kami ni Rence dahil yun na lang ang natitirang upuan. After kong magpakilala ay automatikong susunod na siya.
Bakit parang angtihimik ng klase? Nakatingin lahat sa kanya.
“hello… im Mika Aereen Reyes…”nagbulungang ang ilang kaklase naming.”uhm..sana maging magkaibigan tayo…”yumuko ito saka bumalik sa upuan niya.
Kinalabit ako ng katabi ko.”is she the cousin of Jana Marie?”
Tumango ako.”sa malas oo…”
Pero parang natuwa pa ito at palihim na kinuhanan ng picture ang tulog na si Rence. Tulog agad e. nakapatong ang ulo niya sa arm chair.
---
After Class. Deretso kami sa training. nagpalit lang kami nina Cienne sa may CR.
“ayoko kasama ang mas sikat sa akin…”reklamo ni Camille.pero natatawa na rin.
“si Den? Bakit?”tanong ko.
“like DUUUHH? Type siya agad nung mga kaklase kong babae.nakakalimutan yatang babae rin siya..pero kung sa bagay mukha siyang lalaki kasi..”
“ah so type mo rin?”biro ko dito.
Tiningnan niya yung reflection niya sa salamin.”hindi…mas maganda siya sa akin e.hahaah”
Samantalang si Ceinne ang tahimik.
“hoy cienneloo? Anyare?”suntok ko sa braso niya.
“tss… e ang-epal nung Vio na yun e…”
“eee? Epal kasi baka crush niya si ate Cha?hahahahaha”biro ko sa kanya.
“hmpf..pabalikin mo na nga si Kim… nakakainis na e…”
“hala kambal…ang-user mo niyan ahh.hahaha”sagot ni Camille sa kanya.
MAAM XERELYN’s POV
Mula sa right wing ng gym ay natatanaw ko ang pagpractice ng volleyball team. Nandun rin ang tatlong transferee na pinag-uusapan sa campus. Kabago-bago pa lang crowd favorites na e. habang nagdi-drill na ang iba ay hayun sila kinukulit sina Cienne at Camille.
Parang inutusan ni Cha si Ara na i-set ang bola sa bandang gitna at malakas itong ini-spike ni Cha patungo sa kinaroroonan ng apat. Buti at alerto si Vio at sinalubong ito ng malakas na sipa. Tumalsik ang bola at tumama sa puno.
Nagthumbs down si Cha sa kanya. Saka ulit bumalik sa drill. Napapailing na lang ako sa ginawa niya. May pinagmanahan tong Cha na to. It really runs in the blood.
Lumapit sa akin si Xenia. Siya na ang new coach ng women’s basketball team. Tumikhim ito.”kaya ba hindi mo maiwan ang univ?”
Tumango ako.”kaya nga nandito ka rin diba? Kasi alam mong hindi ko kayang mag-isa…”
She chuckled,”oo naman… alangan iwanan kita… partner kaya tayo…”
Pinanood niya na rin ang team.”salamat Xen…”
“wala yun… mahal kita e… “
“korni…”
Nabalot kami ng katahimikan…”uhm xen…anong sitwasyon? Is she still at large?”
Tumango siya.”pinaghahanap na siya ng kinauukulan… let’s just hope things will be fine…”
“geess… kainis…”
“hey relax…”
“anong relax? Paano ako magrerelax kung anytime may pwedeng mamatay ha?!”
Pi-nat niya ang balikat ko.”don’t worry that much xere… hindi tumitigil ang agency okei? Matitigil rin ang gulo…”
“sana nga…”
----
Mika’s pov
Namiss ko tong dorm. Para akong tanga na nagpaikot-ikot sa kama ko. ee angsweet naman ni Ara. Inayos na niya yung higaan ko. tapos may note.
BAKS,
MAHIYA KA NAMAN. PASALUBON KO. INAYOS KO ANG KAMA MO OH. :’)
^__^ siyempre may pasalubong siya sa akin. ngayon pang alam kong ok na kami no. hindi na siya galit sa akin. pwede ko nang isigaw sa buong univ na pinsan ko ang mayabang na si JM.hahaha.
6:00 PM na. pabalik na sigurado ang mga iyon. Kinatok ko si Ate kim sa kabilang kwarto.
“kimikimi… labas ka na diyan oh…baka pabalik na sila…”
O__O—me
“bakit? Itsura mo…”tampal niya sa nook o.
“LUUUHHH? Dapat nakaporma? Hahahah”panu kasi kulang na daw buhusan ko ng maraming gel yung buhok niya e.
“huwag ka na..minsan lang e.hehe”
ni-lock naming ang pinto. Maya-maya ay may kumakatok na. eee sila na yan sabi ng excited kong utak.
“ate Cha…paopen naman oh…”narinig kong tawag ni Ara.
Memorize ko na ang timbre ng boses niya. Boses bansot e.hahaha.
Ako ang nagbukas ng pinto. With my super wide smile. Kasama ko na rin si Ate Kim na todo na rin ang ngiti.
O_O---ARA
Si cienne naman agad akong niyakap.”eeee saan pasalubong?”
Sabi na nga ba e.ahahaha.yumakap rin sa akin si Ara. “angsama mo…sabi mo hindi ka papasok…”bulong niya sa akin.
“para saan pa ang surprise?ahahaha” napansin ko na may mga kasama silang bagong mukha sa paningin ko.
“sino sila?”malamig kong tanong kay Ara.
“ahy oo nga pala…”tawa pa nito.”ikaw kasi..nakalimutan ko tuloy sila..hahaha”
Nakatingin lang ako sa kanila. Mainly dun sa kulay blue ang buhok. I don’t like how she looks at Ara.
“siya si Den…”turo niya dun sa payat.”Vio…”yung chinita na medyo blonde ang buhok naman.”and… yung buloy mo…”turo niya sa blue ang buhok.
“buloy ko?”ulit ko sa kanya.
Tumango ito.
“oo Mika…”sabat ni Cienne.”grabe..pareho nga kayo ng pangalan e…yun nga lang reyes siya…siya yung pinsan nung JM… yung kinaiinisan nitong si Ara…ewan nga ba kung bakit naging okei sila.hahaha..maybe destiny na ang gumawa ng paraan…”
“angdaldal mo Cienne…”sabat ni Kim sa kanya.
“Mika aereen reyes?”ulit ko na naman.
Tumango si Ara.”oh shake hands na kayo… mika meets mika.hehehe”
Inilahad nung blue haired and kanang kamay niya. Tiningnan ko lang siya mula ulo hanggang paa. Instead of shakinghands I hit her hand as if a spike a ball.”I don’t like you.”I bluntly said and headed to my room.
Sirang sira ang araw ko. sinundan pala ako ni Ara.”anong problema mo Mika? Kararating mo lang ganyan agad? Kabastusan yata yung pinakita m okay Rence…”
I eyed her,”rence..mika..or whatsoever…I STILL DON’T LIKE HER…YOU GET IT?!”sigaw ko sa kanya.
Napahawak siya sa ulo niya.”hindi kita gets baks..” nangingiyak na ang mga mata niya.
Niyakap ko siya. Nagsisisi ako sa pagsigaw ko sa kanya.”Ara..sorry…hindi ko sinasadya…nabigla lang ako…”
Naramdaman kong tumango siya.
“sorry…”
Kumalas siya sa pagkakayakap ko. tumingin siya sa akin na at naguguluhan.”ano ba kasing problema Mika?”
Umiling ako.”wala…pagod lang siguro sa byahe…masakit ang ulo ko…magpapahinga na muna ako… babain mo na lang ang mga bisita mo..”saka ako nagtungo sa kama ko at humiga patigilid.
I felt her weight on the bed.”dito na lang ako… gusto mo imasahe ko ulo mo?”
Tumango ako.
Habang minamasahe niya ang ulo ko ay hindi ako mapakali sa kakaisip kung sino yung rence na yun. Kung ano ang gulo na dadalhin niya sa buhay ko.
---