ST 38 [JANUARY na sa plot na to. ☺] Cienne’s pov Nililinis ni ate Cha ang sugat ko sa tuhod. Panay ang paypay ko dito habang pinupunsan niya ang gilid nito. Pano kasi sabi ko ayoko ng alcohol. Bigla ba namang binuhusan?! Sinong di maiiyak dun noh? “yan kasi…excited..”pang-aasar ni Camille.”pwede namang lakarin..bakit kailangang tumakbo? Ano to pelikula na atat na atat kang pumasok ng dorm ha?” Nagsimangot ako.”e kasalanan ko ba kung may bato dun? Ako na nga nasaktan dito e…” Nandito na nga pala kami sa dorm. Dapat bukas pa kami uuwi pero pinilit ko lang sina ate na agahan para makapagprepare ako for Kim. Smile all the way. Hindi naman masama diba? E pano kasi? Gusto ko lang ireturn yung favor na ginawa niya nung new year’s eve. Kena tito kasi kame nagcelebrate. Yung kakambal ni papa?

