Chapter 20 Valerio "What were you thinking Dion?! What did you do to Celestina? Ipapahamak mo nanaman ba ako? At gagawa ka nalang ng katarantaduhan sa pamamahay ko pa?!" Iyon ang mga salitang gumising sa akin. Nasa ospital ako. Siguro ay nang mawalan ako ng malay ay dinala ako dito ni Dion at nakarating kay Konsehal. Hindi ako nagdilat ng mga mata para pakinggan pa sila sa pinag-uusapan nila pero nang subukan kong igalaw ang kamay ko ay nakaramdam ako ng sakit mula roon. Hindi lang sa aking kamay kung hindi sa buong katawan ko. Natakot ako na baka pinagsamantalahan ako ni Dion habang walang malay. Wala akong maalala dahil ang huling natatandaan ko ay nagmamakaaw ako kay Dion na tumigil na siya. "Nawala ako sa sarili Pa. Hindi ko alam. Hindi ko na alam ang ginagawa ko." "Putngina kun

