Chapter 16 Valerio What happened last night bothers Ashley. Kaya heto kami ngayon sa Liszcafe malapit sa school namin. Dahil sa wala namana kaming masyadong ginagawa sa school at ang pagpasok at pag-aayos na lang ng mga requirements ang ginagawa namin, nag-aya siya dito to talk about what happened last night. Sa itsura niya ngayon ay parang ang laki ng problema niya. I was the one who wake her up kanina dahil kailangan naming umattend ng meeting at exactly 7 am sa gym ng school, para iyon sa lahat ng mga gagraduate. "Wala akong maaalala kagabi Cena, okay yung pambabastos at iyong pagdating ni Alexiel natatandaan ko pero after that wala na." Ginulo na naman niya ang buhok niya, kanina niya pa iyon ginagawa at napapatingin na sa kanya ang mga crew sa cafe na ito. Baka isipin nababaliw n

