Chapter 45 Valerio Natapos ang pag-uusap namin ni Theo. Hindi na ako nagtanong pa sa kaniya tungkol sa kung ano ba talaga ang nangyari nang araw na iyon dahil na rin sa hindi ko nakikitang kusa niyang sasabihin. Pero iyong isip ko ay naroon pa rin kahit na sinabi niyang walang ibang namamagitan sakanila ni Dra. Kris. Paano naman ako matatahimik kung sa larawan ay nakita kong nakangiti siya habang nakatingin kay Dra. Kris? At mukhang ang ganda pa ng usapan nila. Hindi ko maiwasan na hindi magselos dahil mahal ko siya, pero kahit na ganito ang nararamdaman ko mas pipiliin ko pa rin na sa kaniya magtiwala kaysa kay Clayton. Ngayon na alam ko na rin ang dahilan kung bakit ganoon ang mga inaakto ni Clayton. May galit ito kay Theo at nais nitong bumawi sa pamamagitan ng paninira ni Clayton

