Chapter 57 Vavi Nang makasakay na kami sa sasakyan niya ay nanatili akong tahimik. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Nakaramdam ako ng kakaiba nang makita ko si Paxen kung paano tumingin kanina kay Cena, pero noon nalaman ko na may boyfriend si Cena at ang isang Altheo pa ay bigla akong nabunutan ng tinik. Ibig sabihin ba ay may nararamdaman pa rin ako kay Paxen? "You are weird tonight, Vavi. Hindi ka ganito katahimik. Ano ang problema?" Hindi ko siya sinagot. Naiinis ako dahil sa lantaran niya ng pagpapakita ng interes kanina kay Cena. Oo nga ang ganda ni Cena, oo mukha siyang anghel, pero wala na bang nararamdaman si Paxen sa akin. "Your brother called me, Vavi, bakit hindi ka umuuwi sa inyo? Bakit nag-aapartment ka pa rin? Nag-aalala na sa iyo ang mga kuya mo." Sabi niya. At baki

