Chapter 3
Bigla akong napalingon kay Ashley ng marinig ko ang pangalan ko.
"H-Ha?"
"Idadamay mo nanaman si Cena, She doesn't know about that thing Ashley don't drag her into your world okay? She's different."
Kapag ganito at naiinis na siya ay alam kong mamaya-maya lang ay iiyak na si Ashley. Madalas kasi talaga silang mag-asaran na magkapatid at dahil pikon si Ashley ay iiyak na lang ito kapag wala nang maisip na sasabihin.
“Flowera, you are not a kid anymore, sa ganitong pagtatalo lang ay iiyak ka na agad?” tanong ni Kuya Arthur kay Ashley.
Kaunti na lang kasi ay tutulo na ang luha sa mga mata nito.
“Ash,” tawag ko kay Ashley.
Nakasimangot na siya at anumang oras ay tiyak na magwo-walk out na. Kilalang-kilala ko kapag ganiyan na ang itsura niya.
“Nakakainis ka kuya, hindi mo kasi ako maiintindihan, I’m old now! I am twenty! Pero ang nasa isip mo ata ay fifteen years old lang ako,” sabi ni Ashley.
Napangiti ako sa sinabi niya, sa kaso ni Ashley ay edad lamang niya ang tumatanda, pero isip bata pa rin siya. Iyon siguro ang pinupunto ng kuya niya.
“And Alexiel is just twenty-five years old! Just twenty0-five!” himutok ni Ashley.
Nakita kong napangiti si Kuya Arthur, nagkibit balikat lamang ito sa sinabi ni Ashley at hindi na nagsalita pa.
“You are so mean, kuya! Isusumbong kita mamaya kay mommy!”
"When you truly love someone age does not matter. The most important is the feeling that you two have for each other."
Hindi ko alam pero bigla nalang lumabas sa bibig ko ang mga hindi inaasahang salita habang nakatingin sa lalake sa harap ko.
And now Theo is looking at me. Hindi ako agad nakaiwas ng mag-angat siya ng tingin ng marinig ang sinabi ko. Damn Celestina.. damn those eyes. Damn this man infront of me.
Agad akong napalayo ng tingin at nakita kong nakatingin sa amin ang dalawang magkapatid. Ashley has this "Let's talk later" look on me and Kuya arthur shook his head.Tumayo si Theo at nang tingnan ko ang paa ko ay may benda na ito.
"Don't force yourself. I suggest you to rest for this afternoon-
"Cena!"
Napalingon ako sa pinto ng clinic at nakita ko si Dion na hinihingal pa. Anong ginagawa niya dito? Kahit sa school ay hindi niya ako tinitigilan. Kahit saan nalang ay nakikita ko siya.
"My classmates told me they saw you. What happened sweetness?"Napatingin ako kay Theo ng tumayo ito at dumistansya sa akin. His endearment again. Kinikilabutan ako sa tuwing naririnig ko sa kanya iyon.
"Dion.."
Lumuhod sa harap ko si Dion at hinawakan ang mga kamay ko. I flinch. Hindi ko nagugustuhan ang paghawak-hawak niya sa akin na napansin naman ni Ashley kaya siya naman ang lumuhod sa harap ko at sadyang binangga niya si Dion.
Ashley knows about Dion too. That he's hurting me physically. Hindi ko alam kung bakit mainit ang dugo sa akin ni Dion, nang dumating ako sa bahay nila nang mapangasawa ni mama ang konsehal ay mainit na ang dugo niya sa akin. Pero hindi naman iyon palaging nangyayari, kung minsan ay tahimik lamang siang nakatingin.
Labing walong taong gulang ako nang lumipat kami sa mansion ni konsehal. At nang magtagal-tagal ay nakakaranas na ako ng pananakit kay Dion.
Dion is 5 years older than me. Kasing edad niya sila Kuya Arthur. We live in the same house that's why Ashley always told me to lock my room always but Dion has many ways. Takot din siya para sa akin. Sa kung ano ang maaaring mangyari. I was sexually abused by Ricardo, Konsehal De Vera's brother and Dion my step Brother. I can't tell that to the police because I know that they're on my step father's side because of politics.
I trust only one person except Mama and That is Ashley my bestfriend.
Napatingin ako kay Theo. Sa malayo na siya nakatingin ngayon pero nakikita ko ang pag igting ng kanyang panga. What made him mad? Is he?Napayuko ako ay itinapat ang kamay ko sa aking dibdib.This feeling is new and I know this feeling. I like this man infront of me. Alam ko kahit ngayon ko palang ito naramdaman. My heart beats like crazy. And my breathing stop the moment we set our eyes at each other.
but this feeling of mine should fade. No man can accept me because I am dirty.
I can't love. No one can love me too because I am filthy. and that.. broke my heart already.
Nang magamot ang aking paa nang araw na iyon ay hindi rin nagtagal ang aming pananatili sa building ng mga med students. Inihatid ako ni Kuya Arthur sa bahay, sinabi niya kay Dion na siya na ang maghahatid sa akin. Ngunit ang tingin ni Dion kay Kuya Arthur ay kakaiba.
Ganoon naman siya palagi, ganoon siya sa mga lalakeng nakaksalamuha ko. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko ay ginugwardiyahan ako ni Dion. Ang oras ng aking pag-uwi ay dapat alam niya, ang oras rin ng aking pagpasok sa eskwela.
Para akong minomonitor dahil sa tuwing makakatanggap ako ng mensahe galing sa kaniya ay itinatanong niya kung nasaan ako. At isa pa...
Nakakatakot na kapag nasa bahay ako.
Ipinikit nang mariin ang aking mga mata. Naramdaman ko naman ang mahigpit na hawak ni Ashley sa aking mga kamay. Nang magtama ang paningin namin ay nakita ko ang kakaiba niyan tingin.
"Are you sure you are okay? pupwede akong magpaiwan kay kuya sandali para samahan ka. Saka isa pa, si Dion... nakita ko na naman ang tingin niya kanina." sabi ni Ashley sa akin.
Umiling ako sa kaniya at ngumiti, "Ayos lang ako, ano ka ba, saka kaya ko na ang sarili ko. Hindi namana masyadong masakit itong paa ko."
Nang tumingin ako sa driver's seat at ngumiti ako kay Kuya Arthur nang magtama kami sa salamin.
"Pakisabi po sa kaibigan mo kuya na maraming salamat." sabi ko.
Tumango naman sa akin si Kuya Arthur, "Wala iyon sa kaniya, Cena."
Nang muli kong maalala ang mukha nang lalakeng tumulong sa akin na kaibigan pala ni Kuya Arthur ay bigla na namang bumilis ang t***k ng puso ko.
Theo... huh?