Chapter 47 “Nalulungkot ako na kailangan kong ilayo sa iyo ang iyong ina, Cena. Huwag kang mag-alala dahil sa tuwing sabado at linggo ay maaari ka naman na dumalaw sa kaniya.” Malungkot ang itsura ni konsehal pero alam ko ang totoo niyang nais sabihin sa kabila ng kalungkutan na ipinapakita niya sa akin. Napatingin ako kay mama sa glass window kung nasaan siya. Mayroong tubo sa kaniyang bibig at napatingin ang aking mga mata sa aparato na sumusuporta sa kaniya. Isang taon na siyang walang malay at kahit minsan ay hindi ako nawalan ng pag-asa na magigising siya. Nagpapasalamat ako noon kay konsehal dahil hindi niya sinususukuan ang mama pero iyon pala ay may dahilan ang lahat ng ito na ginagawa niya—para sa darating na kampanyahan gagamitin niya ang aking mama para sa pansarili niyan

