Chpater 11
Jealous
Isang oras na akong nag hihintay kay Ethan dito sa sala, hindi pa rin kasi siya dumadating simula noong tunawag ako sa kanya. Sila Callie naman ay sinusubukan nila akong idistract sa mga pinag gagawa nila pero, sorry di nila ako ma susuholan sa ganyan.
"Nasan na ba kasi yang si Ethan?" nakabusangot kong tanung sa kanila. Tumingin naman silang lahat sa akin.
"Giza, diba nga busy siya? Pauwi na rin naman yun." Sagot ni Ice ng di man lang tumitingin sa akin.
"Oo nga naman, Giza baka naman busy lang, kumain kana kaya muna?" Sang ayon naman ni Callie. Umiling na lang ako sa sinabi niya, di ako kakain hanggat wala yung mangga ko.
Napatayo naman ako kaagad ng marinig ko ang tunog ng sasakyan niya. Maingat akong tumakbo papunta sa pinto hindi na nga ako nag abalang mag suot ng sapin sa paa. Bago ko pa mahawakan ang door knob ay bumukas na ito.
Bumungad sa akin si Ethan na pawis na pawis at may bitbit na basket, natigilan siya sa pag lalakad ng makita ako, ngumiti siya sa akin, pero inirapan ko lang siya. Mabilis kong kinuha ang basket at pumasok sa kusina. Marahas ko namang nilapag sa lamesa ang basket at iniisa isang nilabas ang mga mangga, nasa sampo ang bilang nito at may tatlong garapon ng bagoong.
Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag pasok ni Ethan sa kusina pero di ko siya pinansin, bahala siya dyan, isang oras niya akong pinaghintay, tapos di pa ako nakakain ng tanghalian dahil sa kanya. Kumuha ako ng kutsilyo para balatan ang mangga ng bigla na lang niyang inagaw ang kutsilyo sa kamay ko at mahigpit akong niyakap.
"Sorry, baby." Mahinang bulong niya at nag sumiksik sa leeg ko. Nag pupumiglas ako sa yakap niya ng mas lalo pa niyang hinigpitan ang pag kakayakap niya sa akin.
"Anu ba, bitawan mo nga ako, Ethan." mariing sabi ko sa kanya, pero di siya sumunod nanginglid na pati ang luha ko sa aking mga mata.
God Giza, wag kang iiyak
Pero di ko na napigilang humikbi, bakit kasi ganito kapag buntis? Mabilis umiyak o di kaya ay mabilis mag bago ang mood? Ayuko ng mag buntis sa susunod, kung may susunod pa.
Mabilis namang siyang kumalas sa pag kakayakap sa akin at hinarap ako. Nanlambot naman ang expression siya ng makita akong umiiyak. Mabilis ko naman itong tinuyo at yumuko, ayukong makita niya akong umiiyak ng ganto, ang babaw naman kasi ng luha ko, baka nga busy siya kanina kaya di siya kaagad naka bili ng mangga.
"Hey, shhhh, hush now baby, I'm sorry, ok? May emergency kasing nangyari kanina, hindi ko yun pwedeng ipag sawalang bahala." Marahan niyang sabi at hinalikan ako sa noo. Niyakap ko naman siya at ganun din siya.
"Wag ka ng umiyak ok? ayukong nakikita kang umiiyak ng dahil sa akin, nasasaktan ako."
Again, my heart beat fast like their no tomorrow. What the hell heart?
"W-what?" nautal kong tanung.
Kinulong niya ang mukha ko sa palad niya at mabilis akong hinlikan, mag rerespond na sana ako ng mabilis niyang hiniwalay ang kanyang labi sa akin.
"I like you, Giza. No, I think I'm falling to you, baby. Please, please baby, don't you ever dare to leave me, baby. Dahil kapag ginawa mo yun, hahanapin kita, kahit saang lupalop pa ng mundo, at pag nahanap kita? Bubuntisin ulit kita para di kana ulit makawala sa akin. "
"Do you, do you really?" Nauutal kong tanung sa kanya, para kasing ang bilis na eh? Alam ko na rin naman sa sarili ko na nahuhulog na ako sa kanya pero parang ang bilis pa eh, parang sa isang iglap lang mahal na niya kaagad ako?
"Hey, I won't force you to like me or to love me ok? Dahil gagawa ako ng paraan para mahalin mo ako." Mabilis na nag landas ang mga luha ko sa pisnge ko, I'm not falling, because I love him already, pero wag na muna ngayun, may problema pa ako, lalo na sa pamilya ko.
Binuhat niya ako at pinaupo sa lamesa, kinuha niya ng kotsilyo at siya na mismo ang nag balat ng mangga.
"Bakit ka nga pala natagalan?" tanung ko sa kanya. Habang pinag mamasdan ko siyang nag babalat ng mangga.
" May emergency lang baby, hindi ko yun pwedeng iwan na lang ng ganun." Paliwanag niya, kumuha siya ng platito at nilagay ang mangga na nahiwa niya.
"Bagoong, please." Sabi ko sa kanya. Nag tataka naman siyang tumingin sa akin pero kinuha niya rin naman ang ketchup. Nilagyan ko ng bagoong ang mangga kaya mas lalo akong nag laway, mabilis ko siyang sinubo at ngumuya.
Napatingin ako kay Ethan ng mabilis itong pumunta sa lababo at parang nasusuka.
"Huy, ok ka lang?" tawag ko sa kanya, tumango naman siya sa akin pero na mumutla pa rin.
"Tsk, anyare sayo? Tara na nga sa kwarto, para makapag pahinga kana" Hinila ko siya palabas ng kusina ng may makasalubong magandang babae, mahaba ang buhok nito at umaalon pa, ang maputi nitong balat at mapupungay nitong mata at mapula nitong labi.
"Oh, there you are, Ethan." Malambing nitong tawag kay Ethan, bumaling naman ang tingin ko sa kanya para tingnan kong nagagandahan siya dito sa babae pero nagulat ako ng sa akin siya naka tingin nag aalala ang mga mata nito na para bang may mangyayaring masama.
"What are you doing here? Elena?" Malamig nitong tanung kay Elena kuno, bumaling naman ang tingin sa akin ni Elena at inirapan ako, nagulat ako sa ginawa nito.
What the heck?
Kapag kay Ethan ang lambing pero sa akin? Inirapan ako? Tssk.
'bitch.' I murmur.
"We need to talk" Malambing ulit ang boses nito, tskk, malandi, b***h. Umirap ako sa hangin dahil dun, tsk, plastick b***h.
Mabilis kong sinampay ang kamay ko sa braso ni Ethan, napatingin naman dun si Elena at nag iwas ang tingin, napangisi na lamang ako dahil dun.
"Sorry, miss. Bibihisan ko pa ang baby ko, mamaya na kayo mag usap ok?" Malamig akong sabi dito at mabilis na hinila sa Ethan, nakita ko naman yung apat na nakatingin sa amin, naka ngisi silang lahat sa akin. Ngumuso naman at dumeretcho sa kwarto.
Sino kaya ang babaeng haliparot na yun? Kung makaasta akala mo kung sinong girlfriend eh. Ng makabihis na si Ethan ay nag paiwan na lamang ako sa loob ng kwarto dahil sa ayaw kong makita si Elena the b***h. Kumukulo dugo ko sa kanya, porket maganda lang siya eh. Hmmp.
At isa pa may tiwala ako kay Ethan dahil kaka amin niya palang na mahal niya ako, kaya di naman siguro yun lalandi lalo't na nandito ako sa pamamahay niya diba? Syempre rerespituhin niya pa rin ako.
Ano kaya ginagawa nila?