Calliee Pov Two years na ang nakalipas simula noong nawala si bossing. Sa pag kawala niya marami na rin ang nag bago. Si Giza na makulit noon naging malamig na sa lahat. Hindi kami makapaniwala na wala na siya, hamakin mo sa lagat ng bingit ng kamatay yung simpleng ambush lang namatay! Noong una ayaw namin maniwala kaya nag pa imbestiga kami. Pati yung doctor na nag opera sa kanya ay hindi nakatakas pero tangina pre! Wala talaga, si Ethan na talaga ang bangkay. "Nga pala saan si Lance?" Tanong ko ng mapansin na wala siya dito sa kwarto tumingin naman sa akin si Ice at umiling. "Siya ang naka-tuka sa pag babantay kay Snow, biruin mo nag dadalawang taon na si Snow." Sumang-ayon ako sa kanya. Binuksan ko ang beer na nasa harap. Nandito kami ngayun sa bahay ko. Hindi na namin kaya na tuma

