Chapter 25 The truth Sa buhay natin hindi maiwasang may sumaksak sa atin sa likod. Yung tipong walang taong di tayo tratraydorin. Kahit na yung nga taong alam natin na di niya magagawa yun. Life is really unfair. Dahil hindi lahat ng nakakasama mo ay totoo, yung iba nag papanggap lang na tao pero ang totoo isa pala tong ahas. Naabutan kami nina Callie, Cloud and Fire na ganun ang position namin. Wala naman akong pakialam, basta makasama ko lang ang taong kayakap ko ay ok na ako. Narinig ko naman kung pano sumipol sina, Callie. Tssk. Nilapit ko ang ulo ko sa tenga ni Ethan at bumulong. "Wala akong bra." "I know, kaya sa akin ka lang humarap." Seryosong sabi niya. So Possessive. Ramdam ko ang pamumula ng pisnge ko, s**t! bat ganito kasi ang epekto niya sa akin? Yan tuloy.

