Chapter II_Libre

1618 Words
Iniwan ko si Aya na nagtitili pa rin doon. Nakabusangot akong tinutungo ang tindahan ni ate Belinda. Hmp! Antipatiko! Ano ngayon kung gwapo? Antipatiko naman! Minus yon duh! "Oh bat nakasimangot ang beauty queen ng bario namin." Lalo pa akong nairita promise. "Ate.. May pambayad ako kahit na pinangakuan ako ng bruha kong kaibigan na ililibre ako sa masarap mong halo- halo may pambayad pa rin ako. Kaya wag ka pong mambola." Mas napasimangot ako ng mas malakas itong tumawa. Hanggang sa matapos ang laro ay hindi na ako lumapit pang muli sa kinatatayuan ni Aya. Bahala sya dyan. Nakadalawang halo halo rin ako dahil sobrang nauuhaw at ako idagdag pa na kahit hapon na ay mainit pa rin ang haring araw. Napapalingon ako tuwing lumalakas ang sigawan sa court na isa lang ang ibigsabihin. It means isa sa dalawang matatangkad na basketbolista sa kabilang bario ang nakashoot. Napangiwi ako sa ilang dalaga na madramang inaabot ang dalawang manlalaro sa tuwing magagawi ito sa tapat nila. "Ang gwapo ng dalawang kasama nina Pablo at Carlitos no. Taga metro yan dating alaga ng nanay ni Pablo yong naka Jersey ng twenty four kaya dinalaw si nanay ni Pablo. Biruin mo! May ganon pa palang mayayaman sa ganitong panahon? Naaalala pa ang naging nanny?" Mahabang pagkukwento ni ate Belen kahit hindi naman ako nagtatanong. So hind pala talaga ito kaano ano ng kapitan sa ibang bario? Hindi naman siguro ito mga espiya no? Aist. Ano ba itong iniisip ko? Paano naman magkakaroon ng espiya sa lugar e wala naman rebelde dito. Sabay kaming napatingin ni ate Belen sa mga naglalaro ng malakas na malakas na nagsisigawan na ang buong kampo lalo na ang kadalagahan. May nanalo na ata? Hinanap ng mga mata ko si Aya na wala na sa kinatatayuan niya kanina. Saan naman na napunta ang isang iyon? Napatampal ako sa aking noo ng mahagip ko itong nakikikumpol sa mga tao upang bumati sa mga nanalo. Ano sya duon? Manager? Binalikan ko ang iniihaw kong anim na isaw at dalawang hot beef. Kakain na lang ako. If I know baka may mga asawa na ang mga yan. Ang tatanders na kaya ng itsura. O kung wala naman eh baka binatang matanda este, matandang binata? Ano nga ang tawag duon? Bachelor? 'Matatanda pero gwapo' singit ng pilya kong isip. Pati isip ko nagagaya na kay Aya. Kuh! Baka sobrang babaero kaya hindi makahanap ng true love. Or baka inienjoy pa nila ang pagbibinata kuno. Oh my! Bakit ko ba pinuproblema ang mga yon? Kabanas! "Alam mo Karishma kulang na lang talaga sayo boobs. Pero hayaan mo pag nagdalaga ka na alam ko mabilis na lalaki yan." Sabi ni ate Belen na may kasamang nguso pa sa dibdib ko. Anong problem nya sa dibdib ko? Napababa tuloy ang tingin ko sa dibdib ko. Flat. Hindi naman ah! Eh bata pa ako. Ano naman ngayon? "Bata pa ako ate.." reklamo ko. Napapanguso na. " oo nga. Yaan mo pag nagdalaga kana anong panama ng mga kababaihan dito. Siguradong lalo ka pang siseksi. At lalong lalaki yang pang upo mo." "Hala! Wag naman ate. Kontento na ako sa pang upo ko." Natawa si ate Belinda sabay hampas pa ng pang upo ko. Hala! Grabi sya! "Shunga. Haha. Ay! Ang lambot! Oh hayan na ang bestfriend mo." Napalingon ako pagkasabi ni ate. Handa ko na sana itong singhalan pero nalipat ang tingin ko sa mga lalaking nasa likuran niya ilang habang ang layo sa kanya. Sa wari ko'y dito sa pwesto ni ate ang tungo ng mga ito. Ew. Kadiri. Basa ng pawis ang mga kasuotan nila. Nagtutulakan pa ang mga babae sa likuran nila. Akala mo naman ngayon lang nakakita ng mga lalaki. wala sa isip akong napairap. Nanlalaki ang mga mata ko ng magtama ang mata namin nong lalaking maginoo pero medyo bastos ang itsura. Bago ako umiwas ng tingin ay nahuli ko pa ang munting pagkudlit ng ngisi sa gilid ng labi nito. Antipatiko! Mayabang! Hmp! Oh my! Ang inihaw ko nasusunog! Binaliktad ko agad ang iniihaw ko habang nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung bakit? Siguro sa inis? O baka iba lang ang klase nito tumitig sa akin kaya hindi ko maiwasan ang di mainis? At para itago na rin ang sobrang kaba o sobrang t***k ng aking puso sa twing magtatama ang aming mga mata? "Karishmaaa!." s**t! "Ano ba!? Kumalma ka nga!" Mariin kong singhal dito na may kasamang kurot pa. Nakakainis. Muntik pa kaming matumba sa pagkakadamba niya sa akin. Nasaan na ang manners nito? Nakakita lang ng gwapo nawawalan na ng poise. Kabadtrip sa totoo lang. Inirapan ko ito matapos tanggalin ang mga braso niyang nakapulupot sa akin. Maarte pa itong bumutong hininga at kunwari nagpupunas ng pawsi sa noo. "Bayaran mo 'to." Turo ko sa iniihaw ko at sa dalawang baso ng halo halo na naubos ko na. Tumawa si ate Belen. Na ikinanguso ko lalo. Napatingin ako sa vneck shirt ni Aya na manipis masyado at bumabakat ang itim niyang b*a. May kalakihan pa naman ang dibdib nito. Shit! Bakit hindi ko napansin ang suot niya kanina? Eh di sana sinabihan kong magpalit ito? "Oh akala ko ba seksi may pambayad ka?" Kanina beauty queen, ngayon naman! Ngumuso lang ako at nagrolled eyes ng saglit kong ibaling ang tingin kay ate Belinda. Isa pa itong si ate eh. Ewan ko kung nang aasar na naman ba o may pagka slow lang? "Bat ang konti ng inihaw mo? Tig tatatlo lang tayo?" Hang kapal! Sa akin yan lahat. "Besh akin lang yan lahat."nakangisi kong sabi na ikinalaglag ng mata nito. Oo mata ang nalaglag hindi panga! Tsk! "Oh nasaan ang akin?" "Baka nasa Court?" Sarkastikong sabi ko rito. Ako naman itong nakatanggap ng irap mula sa kaniya. Bumubulong pa ito habang naglalagay ng ihawin nya habang ako ay lalo pa itong iniinis. Matambok din naman ang pang upo ni Aya pero bakit di rin pansinin ni ate Belinda? Mas seksi nga itong tingnan kesa sa akin. At maganda rin naman. Syempri kaibigan ko e. Hindi ko na sana papansinin ang pabulong bulong ni Aya pero nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. "Palibhasa ang nene pa." Asar niya pa. Kahit mahina ay dinig ko pa rin yon. "Anong sabi mo ate Aya? Hindi ako nene mas matangkad ako sayo." Sagot ko. Napipikon na talaga. Lalong nainis ang itsura nito. Siguro sa pagtawag ko dito ng ate. Ayaw na ayaw nya e. Nakapamewang na hinarap niya ako habang nakataas ang isang kilay at nakangisi. "Bakit? Bakit niregla ka na ba?" Anong sabi niya? Bakit pati yon kelangan niyang banggitin? Tsaka fourteen pa ako. Malaki lang ang hubog ng katawan ko pero bata pa ako. Nakarinig ako ng bulungan pero isa lang ang tumatak sa pandinig ko. 'Patay Gareth. Cradle snatcher ang lagay mo nyan'" Sa sobrang pagkapahiya ay hindi ko na nagawang tumingin sa mga taong nasa paligid. Mabilis akong tumalikod at lakad takbong nilisan ang lugar. Narinig ko pa si ate Belinda at Aya na tinatawag ako pero wala akong pinakinggan ni isa sa kanila. Nakakahiya! Paano niya nasabi yon? Minsan talaga ang sarap busalan ng walang filter na bunganga ni Aya. Dere deretso ako ng kwarto ko at baka magtaka si mama at lola kung bakit ako umuwi na hindi hatid ni Aya. Nagkulong ako sa kwarto ko at agad na nilock 'to. Alam ko kasing susugod si Aya at magsosorry din. Ayaw ko muna siyang makausap. ' 'Patay Gareth. Cradle snatcher ang lagay mo nyan'" Aya Povs... "Ate Belinda palagay po ng paboritong sauce ni Karish." Pumiyok kong sabi kay ate. Nilalagay ko ang iniwang inihaw ni Karisma sa styrocups habang umiiyak. First time kasi na nangyari 'to sa aming dalawa. Nagbibiro lang naman ako pero napasobra pa ata. Bibig mo kasi Ayanna. "Wag ka nang umiyak Ayanna. Magkakabati rin kayo nun." Napakagat ako sa aking pangibabang labi para hindi mapahikbi. Lalo lang akong naiiyak sa pang aalo ni ate Belinda. Hindi ko na pinansin pa ang ibang costumer na ilan ay kasama ko pang nagiihaw. Kasalanan ko naman. Niyaya ko siya rito para kumain ng halo halo pero mas pinili ko ang manuod. "Tahan na Aya." Tumango tango lang ako kay ate pero sige pa rin ang pagtulo ng luha ko. "Sabi nila hindi raw magiging masarap ang lasa ng pagkain kapag ang nagluluto ay umiiyak." Saglit akong napatingin sa taong mag nagsalita. Ngumuso ako. Siya yong naka Jersey ng twenty seven kanina at ngayon ay naka puting v neck na ito na hapit sa malaki niyang katawan. Nahihiya akong umiwas dahil nahuli ako nito na pinagmamasdan ang katawan nito. Matapos kung ilagay lahat sa paper bag ang pagkain ay dudukot na sana ako sa bulsa ng suot kong high waist ripped jeans pero mabilis na inabot ni kuyang pogi kay ate Belinda ang isang bagong bagong limang daan. "Ako na ang magbabayad binibining maganda, total we won the game kaya. Libre ko na ito sayo." Narinig ko pa ang pag tsked ng kasama nitong naka Jersey ng twenty four kanina. Nakakahiya siguro kung tatanggi ako kaya tinanggap ko na lamang at nagpasalamat na. "Di ka dito kakain Ganda?" Si ate. "Kila karishma na lang po ate. Lalo yun magagalit at magtatampo kapag hindi ko pinuntahan. Tsaka po hindi niya nakain ang isaw niya." Tumango sa akin si ate at ngumiti. Nagpaalam na ako kay at Belinda at tumalikod na sana pero bumaling ako sa dalawang lalaking umiinom ng cold water na nasa cellophane. Bonus one. Hindi maarte.. "Kuyang pogi. Salamat sa libre." Tukoy ko sa pagkain at bahagya pa itong itinaas. Ngunit nawala ang ngiti ko ng tumango lang ito at pasuplado akong tinalikuran. "Kuya raw." "Shut up Gareth!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD