“OKAY ka lang?” tanong ni Nick kay Meg. Alas onse na ng gabi noon, tapos na ang hapunan, tulog na ang karamihan. Naroon na sila balkonahe ng kuwartong inilaan sa kanila at handa na ring matulog. Tumango si Meg. Nakatanaw lang ito sa madilim na langit. Naupo siya sa tabi nito doon sa upuang kahoy at tiningnan lang ito. Hawak nito ang isang bote ng beer, at nasa tabi nito ang tatlo pa. Sa totoo lang, hindi niya inaasahan na marunong palang uminom ng beer ang dalaga. “Tama na iyan, nakakarami ka na yata,” sabi niya. Pero sa halip na sumagot ay iniabot nito ang isang bote sa kanya, pati ang pambukas nito. Kinuha naman niya iyon nang walang alinlangan. “Bakit wala masyado’ng naikukuwento si Neil tungkol sa ‘yo? Isang beses ka lang niya nabanggit, pagkatapos, wala na. Kung hindi lang kayo

