ISANG KARANGALAN—
pero parang isang sumpa.
Tatlong oras na akong nakaupo sa harap ng computer. Overtime na, gabi na, pero ang mga tasks… parang walang katapusan. Files na nagtatambak sa inbox, reports na kailangang tapusin, emails na paulit-ulit. Sobrang pagod na ang mga mata ko. Pakiramdam ko pa ay kailangan ko nang gumamit ng salamin na may grado. At kahit ang mga daliri ko ay nanginginig na rin sa keyboard.
Kinausap akong bigla ni Julie, ang assistant ko.
“Ma’am, tigilan mo na yang kape mo. Hindi na healthy yan,” sabi niya habang nakatingin sa mug ko na halos ubos na. "Nakakailang kape ka na kaya sa isang araw," simangot niyang usal.
Ngunit hawak ko pa rin ang kape. Para bang sa bawat higop, may kaunting lakas na bumabalik sa katawan ko. “Hindi pa,” sagot ko, medyo bulong, medyo pilit lang na maayos ang tono. “Kailangan ko pa matapos ‘to. Tsaka, pang-lima ko pa 'to."
Pinandidilatan niya ako ng mga mata.
Tahimik lang siya sa gilid, nakatingin, halata na iniisip niya kung hanggang saan ko pa kaya.
"Maawa ka naman Ma'am sa katawan mo, pangit ang mapasobra sa kape," paalala niya.
Nginitian ko siya bago ako mulinh humigop.
“Alam mo, ma’am…” medyo nahihiya, halata sa tono niya yung paghihigpit sa sarili, “sana… kung puwede lang, sana maging ikaw ako minsan. Kasi… sobrang admire kita bilang tao. Laging maayos, laging mahinahon, kahit gaano kabigat ang pressure… gusto ko lang maramdaman kung ano yung feeling na ganun ka matibay.”
Tahimik ako. Hindi ko alam kung anong sasabihin. Parang may tumama sa dibdib ko yung sinabi niya. Parang biglang lumalim ang pagod ko, pero sa ibang paraan—parang may liwanag na sumilip sa gitna ng stress at kape.
Pero nagkakamali siya...
Parang bawat higop ng kape, may kasamang tanong.
Kay bigat ng responsibilidad…
Kay dami ng kailangan ayusin…
Kay tagal ng gabi…
At ngayon, kay bigat din ng damdamin na alam kong may humahanga sa iyo… at gustong maranasan kahit sandali ang pagiging sa lugar mo.
Ano na lang kaya ang sasabihin nito kapag malalaman ni Julie na hindi naman talaga ako ganun katibay sa buhay?
Parang kidlat na dumurog sa katahimikan—walang warning, walang chance makapaghanda.
"Hello? ... Ha? Saan?!"
Napalakas ang boses ni Carlo mula sa kabilang table. Napatingin kaming lahat.
"Ospital? Anong nangyari?"
Saglit siyang natahimik, nakikinig, tapos biglang namutla.
"Inaatake...? Ngayon? Papunta sa office?!"
Parang may malamig na hangin na dumaan sa buong opisina.
"Inatake raw si sir..." halos pabulong niyang sabi, pero sapat para marinig naming lahat. "Dinala na sa hospital."
"Anong hospital?" may sumingit agad.
"Okay ba siya?"
"Sigurado ka ba?"
Sunod-sunod ang tanong, pero walang makasagot nang buo.
Sa gilid, si Ma'am—napahinto sa ginagawa niya. Hawak pa rin niya 'yung papers, pero nanginginig na 'yung kamay niya.
"Hindi... hindi pwede..." bulong niya, parang kinakausap ang sarili. "Kagabi lang... okay pa siya ah."
Unti-unti siyang napaupo, tulala. Parang hindi niya ma-process. Parang may hinihintay siyang magsabi na mali lang lahat.
Tumingin ako sa head ko—ang babae naming laging mahinahon, laging maingat. Alam kong siya ang unang maapektuhan sa lahat. Ramdam ko sa mga mata niya yung shock, yung takot na pilit tinatago, yung bigat ng responsibilidad na biglang dumapo sa balikat niya. Hindi lang siya basta natigilan—siya yung magtataguyod, siya yung magde-decide, at ngayon... parang nabighani sa bigat ng sitwasyon.
Habang kami, nakatayo lang. Walang gumagalaw. Walang malinaw na direksyon.
Inatake raw sa puso ang boss namin.
Habang nagmamaneho.
Papunta sa opisina.
At sa sandaling iyon—
parang huminto ang mundo.
Yung ingay ng keyboard, yung usapan, kahit yung oras—biglang nawala.
Ang natira lang... yung bigat ng balita, at yung pakiramdam na may nagbago na—kahit hindi pa namin alam kung hanggang saan ang magiging epekto nito.
--
Ang ospital na pinuntahan namin ay maliit at luma. Kupas ang pintura sa pader, at bawat bukas ng pinto ay may kasamang langitngit na parang may dinadalang bigat. Hindi iyon ang lugar na gugustuhin mong dalhan ng isang taong mahalaga—pero iyon ang pinakamalapit. At sa mga ganitong sandali, wala kang pagpipilian.
Pagdating namin, naroon na ang iba. Mga kasamahan mula sa iba't ibang jobsite—pare-pareho ang mukha ng pagod at takot. May tahimik lang, nakatayo at hindi alam ang gagawin. May ilan na hindi na napigilan ang luha. Sa isang sulok, may umiiyak. May nakaupo, tulala, hawak ang ulo na parang pilit inuunawa ang nangyayari. May nagdadasal nang mahina, umaasa kahit hindi sigurado.
At kaming lahat—naghihintay.
Tahimik. Mabigat.
Habang lumilipas ang oras, unti-unting pumapasok ang mga tanong na walang kasiguraduhan. Paano na kami? Paano na ang kumpanya? Ano na ang mangyayari pagkatapos nito?
Walang sumasagot.
Kundi ang katahimikan—na mas mabigat pa kaysa sa kahit anong balita.
Mahaba pero makipot ang hallway ng ospital, tinatamaan ng maputlang ilaw ng fluorescent. Bawat hakbang ko, may kasamang kaba na hindi ko ma-explain. Nandoon 'yung amoy ng antiseptic—matapang, paulit-ulit—pero sa gabing 'yon, parang may halo na rin siyang pagod at takot. Doon ko na-realize kung gaano kabigat ang katahimikan... 'yung tipong walang nagsasalita, pero parang ang daming gustong sumabog.
Hindi ako nagtagal sa loob. Parang hindi ko kayang i-hold lahat ng nararamdaman.
Lumabas ako, sa gilid ng ospital, katabi ng kalsada. Gabi na. Mas malamig ang hangin, pero hindi sapat para gumaan 'yung dibdib ko. Dumadaan ang mga ilaw ng sasakyan—paulit-ulit, tuloy-tuloy—parang walang pakialam sa nangyayari sa amin. Ang mundo, tuloy lang. Pero kami... parang na-stuck sa isang sandali na ayaw umusad.
Doon lang ako tumayo, tahimik, nakatingin sa wala. Hindi ko alam kung anong iniisip ko—o kung may malinaw pa bang iniisip. Halo-halo na. Pagod, takot... at 'yung tanong na paulit-ulit bumabalik—paano na kami?
And then, doon ko siya nakita.
Ang panganay na anak ng may-ari.
Nakatayo siya sa di kalayuan. Diretso ang likod, parang hindi matitinag kahit gaano kabigat ang balita. Matigas ang mukha niya, walang bakas ng pagkalito, parang mas malinaw pa sa kanya ang susunod na mangyayari kaysa sa amin—at alam mo na, hindi siya yung tipo na bumabalisa.
Malaki siya, medyo mataba, maiksi ang buhok na parang laging paalala na hindi siya mahilig sa labis na pagpapaganda. Hindi rin siya kagandahan, hindi yung tipo na nakaka-attract sa unang tingin. Pero may aura siya—may confidence na nakakairita minsan, at sobrang obvious, pride at pagiging mapagmataas ang laman ng bawat kilos niya.
Kilala siya.
Matapobre.
Mapagmataas.
At higit sa lahat—hindi niya gusto ang head namin.
Yung babaeng lagi naming inaasahan, laging mahinahon, kahit na pagod at stressed—ang taong mas pinili ng boss.
Ang taong mas pinagkatiwalaan.
Parang kita mo sa posture niya na alam niyang may lakas siya sa sitwasyon, at hindi niya ikinakaila na hindi siya natuwa sa posisyon ng head namin. Pero sa gabing 'yon, ramdam mo, kahit ganun siya, may takot din sa gilid ng bawat galaw niya—takot, ingat, at kaunting excitement sa ideya na baka ngayon siya ang may hawak ng kontrol.
Dumating si Ma'am—ang head namin.
Bahagya siyang hingal, pero hindi magulo ang kilos. Maayos pa rin ang tindig, kahit halatang nagmamadali. Maliit lang ang kanyang pangangatawan—halos hindi aabot sa balikat ng karamihan—pero may kakaibang bigat ang presensya niya. Tahimik. Maingat. Parang ayaw niyang gambalain ang mundong unti-unting gumuguho sa gabing iyon.
Hindi siya ang tipo ng taong magtataas ng boses. Hindi siya ang tipo ng lalaban sa gitna ng g**o.
Pero siya rin ang tipo ng taong hindi umaatras—kahit hindi nagsasalita.
Huminto siya sa tapat ng pintuan.
"At least let me see him," mahinahon niyang sabi. Walang galit. Walang pagmamakaawa. Isang simpleng pakiusap na may dalang lalim ng tiwalang matagal nang pinatunayan.
Ngunit malamig ang sumalubong sa kanya.
"Hanggang dito ka lang."
Ang boses ng anak—matigas, diretso, walang puwang para sa pag-unawa.
Sandaling nanahimik si Ma'am.
Walang pagtutol. Walang pag-angat ng kilay.
Isang maikling paghinga lang—parang pinipigil ang kung anumang gustong kumawala.
"Hanggang dito ka lang."
Malamig ang boses ng anak.
"Anak ako ng may-ari," dagdag pa nito, bahagyang tinaas ang baba. "May mga desisyon na hindi na kailangan ng opinyon mo."
Tahimik ang paligid.
Pero ramdam mo ang bigat ng mga salitang hindi pa sinasabi.
"Huwag dito, May," mahinahon pero matatag na sagot ng head namin. Hindi para makipagtalo—kundi para ipaalala ang isang katotohanang hindi na niya kailangang ipaglaban.
Pero minsan, kahit ang katotohanan... hindi sapat.
"Hindi ka pamilya."
Tatlong salitang ibinagsak na parang walang bigat—pero siya namang kay bigat dalhin. Sobrang sakit pakinggan, ano pa kayang klaseng sakit ang nararamdaman ng head namin sa Finance?
At doon ko nakita—
Hindi galit. Hindi sama ng loob. Kundi isang tahimik na pagtanggap. Yung klase ng sakit na hindi na kailangang ipakita—dahil matagal nang kilala.
Bahagya siyang tumango.
Isang maliit na galaw—parang pag-urong ng alon na alam nang hindi nito kayang labanan ang pader.
Wala siyang sinabi pa.
Dahan-dahan siyang umatras, binigyang daan ang taong mas may karapatan sa papel—kahit hindi sa puso ng taong nakahiga sa loob. At sa pagtalikod niya, doon ko mas naramdaman kung gaano siya katatag— hindi dahil lumaban siya, kundi dahil pinili niyang huwag makipaglaban.
Lumipas ang gabi sa paghihintay.
Sa pagtingin sa bawat bukas ng pinto.
Sa bawat yabag ng nurse.
Sa bawat bulong ng pag-asa na unti-unting nauupos.
Hanggang sa wala nang natira.
Walang lumabas para magsabing "okay na."
Walang milagro.
Kinabukasan, kasabay ng unti-unting pagliwanag ng langit—
tuluyan nang nawala ang boss ko.
At sa pagpanaw niya,
may mas malalim pang bagay ang nagsimulang mabuhay.
Isang laban.
Isang hidwaan.
At ako—
nasa gitna.
--
Lumabas ako sa ospital. Huminga ng malalim, pero kahit anong pilit, hindi nawawala yung bigat sa dibdib ko.
Sa gilid, malapit sa kotse, nakatayo siya—boypren ko. Tahimik. Pero halata yung tension sa bawat galaw niya. Maingat niyang pinagmamasdan ako, parang ayaw makaramdam ng sobra. Halata sa mga mata niya yung worry—yung worry na bawal ipakita sa kahit kanino.
Alam mo yung worry na bawal sa akin ang puyat? Bawal ang takot? Pero ramdam mo pa rin kahit pa manhid ka na sa sarili mong galaw? Ganun siya. Naka-freeze sa bawat segundo, pero parang handang kumilos kung may mangyari.
Gusto ko siyang lapitan. Gusto kong sabihin, “Okay lang… andito lang ako.” Pero hindi ko magawa. Wala pa ring may alam sa relasyon namin. Kahit ilang linggo na kaming magkasama sa hirap at g**o ng trabaho, parang may invisible wall sa pagitan namin.
Tumayo lang kami doon. Magkalayo, magkatabi sa katahimikan ng gabi. Ang ilaw mula sa street lamp, tumatama sa mukha niya. Halata—nag-aalala siya. Pero kahit ganun, matibay pa rin ang postura niya. Parang sa mundo ng iba, wala siyang puwang para sa takot. Pero alam ko, sa bawat titig niya… hindi siya makakawala sa pag-aalala.
Parang hangin lang ang nag-uugnay sa amin. Hindi mo mahawakan, pero ramdam mo sa bawat hininga. Sa gabing iyon, sa gitna ng chaos at bigat ng pangyayari, nakatayo lang kami doon. Magkalayo. Nagmamasid. Nag-aalala. Pilit kinikimkim ang lahat ng nararamdaman.