Chapter 1

1158 Words
NAPATIGIL si Beatrice mula sa paglalakad nang marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone niya. Kinuha naman niya iyon sa loob ng bag para tingnan kung sino ang tumatawag. At nakita niya na ang kaibigang si Paula ang tumatawag sa kanya ng sandaling iyon. Agad naman niyang sinagot ang tawag nito. "Hello?" "Beatrice, where are you?" tanong ni Paula sa kanya pagkasagot niya ng tawag. "Dito pa sa school," sagot niya dito. "Good. Samahan mo ako. I'll wait you here at the parking," wika nito sa kanya. "Saan-- Hindi na niya natapos ang ibang sasahihin ng ibaba ni Paula ang tawag. Hindi naman niya napigilan ang mapabuntong-hininga. Pupunta sana si Beatrice sa library para sana umidlip do'n dahil gusto niyang bawiin ang puyat niya. Pero mukhang hindi niya iyon magagawa ng sandaling iyon. Beatrice and Paula were classmates, and both of them were taking up Architecture. They were also set to graduate next month. Naging close lang silang dalawa noong masa third year college na sila. At hindi inaasahan ni Beatrice na magiging close silang dalawa ni Paula dahil sa agwat ng estado ng buhay nila. Paula came from a wealthy family, while Beatrice had grown up with far less. She came from a poor family and had only managed to stay in school because of her scholarship and Paula’s constant help. At sa halip na dumiretso si Beatrice sa library ay sa parking lot siya dumiretso kung nasaan ang kaibigan. At agad naman niyang namataan ang itim na kotse ni Paula. Lumapit naman siya do'n at agad na dumiretso sa passenger seat. Kinatok niya iyon nang mapansing naka-lock. At nang sinubukan niyang pihitin ulit ang pinto ng bumukas iyon kaya agad siyang pumasok. "Hi!" Nakangiting bati ni Paula sa kanya ng tuluyan siyang nakasakay sa passenger seat. "Wear your seatbelt, Beatrice," wika nito sa kanya. "Saan tayo pupunta?" tanong niya dito habang isinusuot niya ang seatbelt. "Sa Alvarez Group of Companies," sagot nito sa kanya. Namilog naman ang mga mata ni Beatrice nang marinig niya ang kompanyang binanggit ng kaibigan. The Alvarez Group of Companies was one of the largest and most influential corporations in the Philippines. "Anong gagawin mo do'n?" tanong niya dito. "Well, may pinapabigay si Papa kay Brandon," sagot nito sa kanya. "Who's Brandon?" tanong niya. "Ang may-ari ng kompanya," sagot ni Paula na may ngiti sa labi. "Oh," sambit naman niya. Hindi naman na siya nagtanong, hindi naman na siya nagtaka kung kilala nito ang may-ari ng kompanya dahil maimpluwensiya naman ang pamilya ni Paula. Pinaandar naman na ni Paula ang kotse paalis. At hindi naman nagtagal ay nakarating na din sila sa pupuntahan. At bago pa nga bumaba ang kaibigan ay nakita niyang nag-retouch pa ito ng mukha. "Let's go, Beatrice," yakag na sa kanya ni Paula, mabilis naman siyang umagapay sa kaibigan ng pumasok sila sa loob ng nasabing building. Hindi nga maiwasan ni Beatrice ang mamangha sa ganda at laki ng kompanya. Pagpasok pa nga nila ay naramdaman agad niya ang lamig, mukhang hindi nagtitipid sa kuryente dahil malakas ang aircon. Sumakay silang dalawa sa elevator. Nakita naman niya na pinindot ni Paula ang 10th button, mukhang sa palapag na iyon matatagpuan ang opisina nito. Hindi naman nagtagal ay huminto ang elevator at bumukas iyon. Naunang lumabas si Paula, sumunod naman siya dito. Hanggang sa huminto sila sa tapat ng isang cubicle. "Ma'am Paula." Mukhang kilala ng lalaking nakaupo sa harap ng cubicle ang kaibigan. "Hi, Eric," bati ni Paula. “Is Brandon already inside?” “Sorry, Ma’am, but Sir Brandon is currently in a meeting," sagot nito. "Oh," sambit naman ni Paula, napansin ang disappointment sa ekspresyon ng mukha nito. "Ano kayang oras matatapos ang meeting niya? May ibibigay kasi ako." Tahimik lang naman sa isang tabi si Beatrice, hinahayaan ang dalawa na mag-usap. "Malapit na din po, Ma'am Paula," sagot nito. "Kung gusto niyo po ay sa loob na lang ng opisina ni Sir Brandon niyo siya hintayin." At napansin ni Beatrice ang pagbalik ng sigla sa mukha ni Paula sa narinig. "Okay," sagot ni Paula. Pagkatapos niyon ay sinamahan sila ng lalaki sa loob ng opisina ni Brandon. "Anyway, Ma'am. Do you need anything?" Umiling naman si Paula bilang sagot. "Thanks, by the way," sagot nito sa lalaki. Umupo naman silang dalawa sa sofa nang iwan sila ng lalaki. "Grabe ang laki at ang ganda." Hindi napigilan ni Beatrice na ibulalas ng igala niya ang paningin sa paligid. Humalakhak naman si Paula sa sinabi niya. "Of course, Beatrice. He is Brandon Alvarez," komento nito sa kanya. "Anyway, maiwan muna kita saglit dito. May dadalawin lang akong kakilala na nagta-trabaho dito," mayamaya ay wika nito sa kanya. Tumango naman siya. At nang maiwan na mag-isa si Beatrice sa loob ng opisina ay inilibot niya ang paningin sa paligid. The office was neat, spacious, and undeniably expensive, carrying the quiet authority of the man who owned it. Sobrang lamig nga din sa loob at hindi niya maiwasan na makaramdam ng antok. Isinandal nga ni Beatrice ang ulo sa headrest ng sofa. Sunod-sunod na nga din ang ginawa niyang paghikab. Sinubukan nga din niyang ipinikit ang mga mata. Pero hindi inaasahan ni Beatrice na sa pagpikit ay tuluyan siyang makakatulog. At na-alimpungatan na lang siya nang may maulingan siyang nag-uusap. "Sir, kasama po siya ni Ma'am Paula," narinig ni Beatrice na wika ng isang pamilyar na boses. Dahan-dahan naman siyang nagmulat ng mga mata. At pagkamulat ay agad niyang hinanap ang pinanggalingan ng boses. Hanggang sa tumigil ang tingin niya sa gawi ng executive table kung saan may nakaupo nang lalaki sa swivel chair. At ang lalaking nakatayo naman ay ang lalaking tinawag ni Paula na Eric kanina. "Sir Brandon, do you want me to wake her up?" Nanlaki ang mga mata ni Beatrice nang marinit niya ang pangalan na binanggit ni Eric. Muli niyang binalik ang tingin sa lalaking nakaupo. And Beatrice couldn't help but to stare at him. He looked like every woman’s dangerous fantasy, rich, powerful, and devastatingly handsome. At mukhang naramdaman nito na may nakatitig dito dahil tumingin ito sa dereksiyon niya. At hindi napigilan ni Beatrice ang mapasinghap nang magtama ang mga mata nila. “No need, Eric. She’s already awake,” he said in a deep, baritone voice. Beatrice’s cheeks turned crimson red at what he said. Nakita nga din niya ang paglingon ng secretary nito. Mabilis naman niyang inayos ang magulong buhok bago siya tumayo mula sa pagkakaupo niy sa sofa. "G-good afternoon po, Sir," bati ni Beatrice sa lalaki. "P-pasensiya na po at nakatulog po ako sa opisina niyo," paghingi niya ng paunmanhin dito. At kahit na hindi siya nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang namumula pa din ang pisngi dahil sa hiyang nararamdaman. Pero sa halip naagbigay komento ay napansin niya ang paninitig sa kanya ng lalaki. And for some reason, Beatrice couldn’t understand why her heart began to pound wildly as she held his gaze.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD