Chapter 3

1433 Words
MABILIS na inayos ni Beatrice ang suot na uniform nang ipatawag sila ng may-ari ng catering service kung saan siya sumadline ng gabing iyon Kinakailangan kasi ni Beatrice ng extra income dahil sa nalalapit na graduation nila. Hindi din kasi biro ang kailangan niyang bayaran, ayaw din naman niyang humingi sa Tatay niya dahil alam niyang pagagalitan lang ito ng bagong asawa nito. Maaga kasing nawala ang Nanay niya. At limang taon bago pumanaw ang ina ay muling nag-asawa ang ama, isang single mom din. At hindi din naging maganda ang trato ng pangalawang asawa ng ama sa kanya. Kaya noong nagkaisip ay pinili ni Beatrice na bumukod kahit na hirap na hirap siya. She was also a working student, since her scholarship wasn’t enough to cover everything. Kailangan din niya ng extra income. Kasi hindi sakop ng pagiging schoolar niya ang ilang gastos niya sa pang araw-araw. Lalo pa at magastos ang kinuha niyang kurso. Talagang ginapang kasi ni Beatrice iyon dahil bata pa lang siya ay pangarap na niyang maging isang architect. She wanted to build buildings and, one day, create the dream house she had always imagined. Gusto nga ni Paula na ito ang magbayad ng graduation fee niya, pero tumanggi siya. Marami na kasi itong naitulong sa kanya at nahihiya na siya dito. Baka isipin nito at nang ibang nakakakilala sa kanila na pera lang ang habol biya kay Paula kung bakit dumidikit siya dito. At nang tumanggi siya sa perang ini-offer nito ay trabaho ang ibinigay nito sa kanya. At si Paula nga ang nag-refer sa kanya sa isang catering services. At that moment, they were catering a birthday party for a well-known businessman. At ang pagkakaalam niya ay invited din ang pamilya ni Paula sa nasabing okasyon. "Ayusin niyo maigi ang trabaho niyo dahil bigatin ang mga bisita," wika sa kanila ng boss. "Mga kilalang negosyante at kilala sa lipunan ang mga bisita. At ayoko ng may magkamali. Dahil kapag nagkamali kayo, hindi ko kayo sasahudan. Maliwanag ba?" "Opo." Halos sabay-sabay naman nilang sagot lahat. Mahigit sampu silang lahat na services crew doon. "Sige na. Pumunta na kayo sa posisyon niyo dahil mayamaya ay mag-uumpisa na ang party," pagdi-dismiss nito sa kanila. "Beatrice, tara," wika naman ni Allan sa kanya, isa din sa services crew. At nakatuka silang dalawa sa Beverage services, sila ang magsi-serve ng drinks sa mga bisita. Agad naman lumapit si Beatrice kay Allan. Inutusan na nga din silang mag-serve ng drinks sa mga bisita. Hindi na din naman siya masyado nahirapan dahil nasubukan na niya ang ganoong klaseng trabaho. Naghiwalay naman silang dalawa ni Allan para makapag-serve sila ng drinks sa mga bisita. At tama nga ang boss nila sa sinabi nito na mayayamang bisita ang mga imbitado dahil sa ganda ng suot ng mga ito na gown at three piece suit ay alam niyang hindi biro na ang halaga niyon. At nang maubos ang nasa tray ni Beatrice ay bumalik muli siya para lagyan iyon ng drinks at mabigyan ang ilang bisita. At mayamaya ay napatigil si Beatrice mula sa paglalakad nang may mamataan siyang pamilyar na lalaki sa dereksiyon kung saan sana siya magsi-serve ng drink. And the man with the familiar face was none other than Brandon Alvarez. Isang linggo na ang nakakaraan simula noong makilala niya ang lalaki pero pakiramdam niya ay kahapon lang niya ito nakilala. At mukhang naramdaman ni Brandon na may nakatitig dito dahil inalis nito ang tingin sa kausap at nag-angat ito ng tingin sa gawi niya. At agad ngang nagtama ang mga mata nilang dalawa. Napansin nga niya ang rekognisyon sa mga mata nito nang makita siya, kaya bahagya niya itong nginitian. Pagkatapos ay humakbang siya palapit. Humigpit nga ang pagkakahawak niya sa tray nang mapansing hindi na nito inalis ang tingin sa kanya. His dark, intense gaze stayed locked on her. "Good evening, Sir," bati niya sa mga ito. "Drinks po," pag-o-offer niya dahilan para mapatingin sa kanya ang kausap ni Brandon sa gawi niya. Mayamaya ay napatingin siya sa gilid niya nang may kumuha ng isang baso sa hawak niyang tray. At agad na nagtama ang mga mata nila dahil nakatingin ito sa kanya, hindi lang simpleng tingin, kundi titig na titig. At nang magtama ang mga mata nila ay nginitian naman siya nito. "Hi," bati nito sa kanya. Ngumiti lang din naman siya bilang pagbati dito. At nagulat na nga lang siya ng bigla itong magmura. "f**k!" "Vince." Napatingin naman siya kay Brandon ng magsalita, there was a warning in his voice as he called the man’s name. "Oh, I'm sorry, Brandon," paghingi naman ng paunmanhin ng lalaki. "And I'm sorry, Miss," paghingi din nito ng paunmanhin sa kanya. "I didn’t expect to find someone as beautiful as you working here," wika nito habang nakatingin sa kanya. Hindi naman napigilan ni Beatrice ang pamulahan ng pisngi sa sinabi nito. Mayamaya ay may kumuha ng isang baso sa tray niya. At nang mag-angat siya ng tingin ay nakita niyang si Brandon niyon. At napansin niya ang seryosong ekspresyon ng mukha nito, napansin nga din niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito. "Don’t stay here. Go attend to the other guests," wika nito sa kanya sa malamig ngunit baritonong boses. Pinagdikit naman ni Beatrice ang ibabang labi sa narinig niyang sinabi ni Brandon. At aaminin niya, medyo nasaktan siya sa pagtataboy nito sa kanya doon na para bang ayaw nitong manatili siya sa harap ng mga ito. "Y-yes, Sir," sagot naman niya. Hindi na nga din niya hinintay na magsalita ang mga ito dahil yumukod siya at nag-umpisa na siyang umalis sa harap ng mga ito. And she could still feel the heavy gaze on her back as she walked away to do her job. At sa pag-angat nga ni Beatrice ng tingin ay agad niyang nakita si Paula at napansin niya na nakatingin ito sa dereksiyon niya. At nang magtama ang mga mata nila ay agad na sumilay ang ngiti sa labi nito. She signaled for her to come closer. Humakbang naman siya palapit dito, napansin nga niyang may kasama itong mga sopistikadang babae gaya nito. "Good evening, Ma'am," bati niya ng makalapit siya. "Ma'am?" balik tanong naman ni Paula sa kanya, napansin naman niya na tumuon ang tingin ng kasama ni Paula sa dereksiyon niya. "Do you know her, Paula?" "Yes," sagot naman ni Paula. Pasimple naman niyang inilingan ang kaibigan na huwag na nitong dagdagan ang sasabihin nito pero hindi siya nito pinansin. "She's my bestfriend," dagdag pa na wika nito. "Oh, how humble of you, Paula," wika naman ng kasama nitong babae. Napansin naman niya ang pagkawala ng ngiti sa labi ni Paula. "What do you mean?" matigas ang boses na tanong ng kaibigan dito. "Oh, nothing," sagot naman ng babae kay Paula. Tumikhim naman siya. "Drinks, Ma'am?" Alok naman niya para makaalis na siya do'n. Isa-isa namang kumuha ang mga ito ng drinks sa hawak niyang tray. May naiwan ngang isang baso na drinks sa hawak niyang tray. Magalang naman siyang nagpaalam sa mga ito. At akmang maglalakad siya paalis ng manlaki ang mga mata niya nang mapatid siya. Pilit nga niyang ibalanse ang katawan para hindi siya ma-out of balance. Pero hindi naman niya na-i-balanse ang tray na hawak dahilan para mabuhos iyon. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya ng mabuhos iyon sa isang babaeng bisita. "Oh, my god!" tili ng babae nang mabuhusan niya ang puting gown na suot nito. "Sorry po, Ma'am," paghingi naman ni Beatrice ng paunmanhin sa babae. The woman glared at her. "Just look at what you did! My gown is ruined!" wika nito sa kanya sa galit na boses. "Hindi mo ba alam kung magkano itong gown na suot ko? Hindi mo-- "Angela, she's not-- "No, Paula. Hindi kasi nag-iingat ang babaeng ito, eh," putol ng babae sa sasabihin sana ni Paula. "Look at what you’ve done! Even if you worked for a whole year, you couldn’t afford what I’m wearing." Kinuha naman ni Beatrice ang panyo sa bulsa ng suot niyang pantalon. At akmang pupunasan niya ang gown na aksidenteng nabuhusan ng drinks ng mapatigil siya nang itulak siya ng babae. "Don't touch me," wika nito sa kanya. Hindi naman inaasahan ni Beatrice ang ginawa nitong pagtulak dahilan para mapaatras siya, muntik na nga ulit siyang ma-out of balance kung wala lang matatag na braso na humawak sa likod niya. "What's happening here?" Natigilan naman si Beatrice nang marinig niya ang baritonong boses na iyon, mabilis nga din siyang lumingon sa kanyang likod. At sumalubong sa kanya ang isang seryosong mukha ng isang lalaki. "S-sir Brandon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD