“LET'S switch partners, Vince.”
Napatitig si Beatrice kay Brandon nang marinig niya ang sinabi nito kay Vince.
At hindi na nga nito binigyan nang pagkakataon si Vince na sumagot pa nang pumuwesto si Brandon sa harap niya. Wala naman nang nagawa si Vince kundi gumilid at pumuwesto na din sa harap ni Paula para magpalit ng pwesto.
At mula sa gilid ng kanyang mga mata ay napansin niya ang paninitig ni Paula sa kanila.
"May I dance with you, Beatrice?" mayamaya ay tanong ni Brandon sa kanya sa buong-buong boses.
Tumango naman siya bilang sagot. At napatitig nga siya dito nang mapansin niya ang pagkislap ng ekspresyon ng mata nito habang nakatitig sa kanya. Napansin nga din siya ang pagtaas ng dalawang kamay nito para sa humawak sa baywang niya.
Pero bago nito iyong tuluyang hawakan ay humingi pa ito ng permiso. "Can I hold your waist?" tanong nito sa kanya.
"Okay lang," sagot naman niya.
Tuluyan namang hinawakan ni Brandon ang baywang niya. At hindi nakatulong ang suot niyang sleeveless para maramdaman ang init ng palad nito nang hawakan siya nito sa baywang, hindi lang iyon, may naramdaman din siyang parang boltahe ng kuryente na dumaloy sa katawan niya sa pagdikit ng kamay nito sa kanya.
At hindi nga din napigilan ni Beatrice ang pagbilis ng t***k ng puso ng sandaling iyon. Dahan-dahan nga ding tumaas ang dalawang kamay para humawak sa balikat nito.
"Hindi...ako marunong sumayaw, Brandon," pag-amin niya dito.
“It’s okay. I don’t know how to dance either,” sagot naman niya.
"So anong gagawin natin? Uupo na tayo?" wika niya. At akmang ibaba niya ang kamay na nakahawak sa balikat nito ng mapatigil siya ay manlaki ang mga mata nang hapitin siya ni Brandon palapit sa katawan nito. Pero hindi naman tuluyang nagdikit ang katawan nilang dalawa, may konting espasyo pa din.
Nag-angat naman si Beatrice nang tingin para magpantay ang paningin nilang dalawa ni Brandon.
"Let's stay here," wika nito sa kanya sa buong-buong boses. Gusto nga ding mapapikit ni Beatrice ng mga mata nang tumama ang mainit at mabangong hininga ni Brandon sa kanya nang magsalita ito.
"How are you?" mayamaya ay tanong ni Brandon sa kanya.
"Okay lang naman," sagot naman ni Beatrice dito. "Ikaw?"
"Okay lang din," sagot nito sa kanya.
"Akala ko busy ka dahil marami kang ginagawa sa opisina," mayamaya ay wika nito sa kanya.
"Yeah," sagot nito sa kanya.
"So bakit ka nandito?" naguguluhang tanong niya dito.
"Well..." Tinaasan naman niya ito ng isang kilay. At nang makita nito iyon ay napansin niya ang pag-angat ng sulok ng labi nito. "I need to unwind," dagdag pa na sagot nito.
"Minsan kasi huwag puro trabaho." Hindi niya napigilan na sabihin iyon dito.
Sa pagkakataong iyon ay ito naman ang tumaas ang isang kilay. “Tell that to the woman I know who’s still working at ten in the evening,” sagot naman nito sa kanya.
Hindi naman niya napigilan ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi sa sinabi nito dahil kilala niya ang tinutukoy nito. Siya. “You should smile more often, Beatrice," mayamaya ay komento ni Brandon habang nakatitig sa mukha niya.
"Hmm?
Brandon stared at her. “You look even more beautiful when you smile, Beatrice," wika nito sa kanya.
“Especially when your cheeks turn red.” dagdag pa na wika nito ng mapansin nito ang pamumula ng kanyang pisngi.
Pasimple naman niyang iniwas ang tingin kay Brandon dahil bigla siyang nakaramdam ng hiya dito. At sa pag-iwas ng kanyang tingin ay nahagip ng kanyang mga mata si Paula, nakatingin ito sa dereksiyon nila. At nang magtama ang mga mata nila ay ngumiti ito sa kanya, gumanti din siya ng ngiti dito.
"Beatrice."
Ibinalik muli ni Beatrice ang tingin kay Brandon nang tawagin nito ang pangalan niya.
"B-bakit?"
"Did Vince really invite you here?"
Umiling naman siya bilang sagot. "Hindi. Nagulat na nga lang ako dahil nandito siya."
Napansin naman niya ang pagkunot ng noo nito sa sinabi niya. "What do you mean?" tanong nito sa kanya.
At akmang bububuka ang bibig para sagutin ito nang mapatigil siya nang biglang napalitan ang tugtog.
Naghiyawan naman ang mga nasa gitna ng dance floor dahil do'n. Naging wild nga din ang mga ito at dahil sa wild na pagsasayaw ng iba ay may bumunggo mula sa likod niya dahilan para mapasubsob siya sa matitipunong dibdib ni Brando.
"Aw," daing niya nang tumama ang ilong sa matitipunong dibdib nito.
Naramdaman niya ang pag-ikot ng kamay ni Brandon sa baywang niya. Naramdaman nga din niya ang pagsilip nito sa mukha niya.
"Are you okay?" tanong nito sa kanya.
Nag-angat naman siya ng tingin kay Brandon para masagot ang tanong nito. At ganoon na lang ang gulat ni Beatrice nang pag-angat niya ng tingin ay saktong nagdikit ang labi nito sa tungki ng ilong niya. Nakayuko pa din kasi ang lalaki habang sinisilip ang mukha niya ng tumingala siya.
At kitang-kita din ni Beatrice ang gulat na bumalatay sa ekspresyon ng mukha ni Brandon sa nangyari.
At akmang ilalayo niya ang sarili dito nang may bumunggo muli sa likod niya. At ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata niya dahil hindi na lang sa sa tungki ng ilong niya dumikit ang labi ni Brandon.
Kung hindi sa labi na niya mismo!
At nang sandaling iyon ay grabe ang bilis ng t***k ng puso niya. The moment their lips met, it was as if a current of electricity ran through her body. Mabilis naman niyang inilayo ang sarili dito.
"S-sorry," paghingi niya ng paunmanhin kay Brandon, pulang-pula nga ang pisngi niya.
"It's okay," wika nito. Pagkatapos niyon ay lumagpas ang tingin nito sa likod niya. At napansin niya ang pag-igting ng panga nito habang nakatingin ito sa likod niya.
“Hey, stop pushing,” malamig ang boses na wika ni Brandon sa taong nasa likod niya, bakas ang galit sa boses nito. Mukhang galit ito sa taong tumulak sa kanya. Dahil kung hindi sa tumulak sa kanya ay hindi magdidikit ang labi nila. Baka kasi may girlfriend si Brandon at ayaw nito ng misunderstanding.
Kung may girlfriend si Brandon bakit ka niya yayain na magsayaw? wika naman ng bahagi ng isipan niya
At mayamaya ay napatingin sila sa gilid nila ng marinig nila ang boses ni Vince. “Brandon, may I have another dance with Beatrice?” wika ni Vince sa lalaki.
At dahil sa isiping baka may girlfriend si Brandon ay bumitaw siya dito.
Napansin naman niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito sa pagbitaw niya.
"Brandon, let's dance too," mayamaya ay wika din ni Paula sa lalaki.
At kahit na hindi siya nakatingin kay Brandon ay alam niyang nakatitig ito sa kanya dahil ramdam niya ang init ng titig nito.
Itinuon naman na niya ang atensiyon kay Vince ng pumuwesto ito sa harap niya.
At mayamaya ay napakunot siya ng noo nang maramdaman niyang parang may humaplos sa pang-upo niya. Babaliwalaen sana iyon ni Beatricd sa pag-aakapang baka nasagi lang dahil marami nang nagsasayaw sa gitna ng dance floor.
Pero mayamaya ay nanlaki ang mga mata niya ng naulit muli iyon at naramdaman niya na may pumisil sa pwet niya.
Malakas ang ginawa niyang pagsinghap. Mabilis nga din siyang lumingon sa kanyang likod at nakita niya ang isang lalaking nakatingin sa kanya. At nang makita nito ang paglingon niya ay ngumisi ito. Mukhang lasing dahil sa hitsura nito.
“Get your hands off me!” wika niya nang itulak niya ang lalaki palayo nang mapansin ididikit nito ang sarili sa kanya.
"What's wrong, Beatrice?" mayamaya ay narinig niyang tanong ni Vince. Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang paglapit ni Brandon, iniwan nito si Paula para lapitan siya.
"H-hinipuan niya ako," sumbong niya sa ginawa ng lalaki sa kanya
"I can't help it. Your butt is nice and--
Hindi na natapos ng lalaki ang ibang sasabihin nito nang bigla itong bumulagta sa sahig ng may malakas na sumuntok dito.
At nanlalaki ang mga mata ni Beatrice nang makita niya kung sino ang sumuntok dito.
"Brandon!"