HUWAG niyo muna akonv kausapin utang na loob at labas. Pakiramdam ko bigla akong nanganak ng sampong taon ni walang pahinga. Nakakahilo na nakaka-stress. Bet na bet ko ng umalis and go away to neverland dahil sa Tristan na ito.
Ang gulo niyang kausap, parang sa bulbol na naiwan sa kojic ko. Kaasar talaga iyang TJ na iyan ha. Sumpain talaga iyung poging mental na iyon.
Sa wakas at nag-uwian na rin. Balak pa ako sabayan ni Tristan James. Hindi pa ba siya nakakahalata na sinasabayan na niya ang init ng ulo ko? Ano bang misyon ng mga gwapo sa buhay ko? Na sirain ang araw ko? Ganon? Aba e sarap nilang gawing panggatong, ngayon pa naman na ang mahal na ng presyo ng gas!
"HAHAHA," tawa ni baklang Leo, akala mo e kinaganda niya. "Anong mukha iyan, teh? Huwag mo kasing sinasagad kaka-dogstyle ni Mikyle sa iyo. Karma na sa iyo iyan kasi swapang ka!" ani nito na puno ng puot ang mga salita. Kapal talaga ng mukha.
"Excuse me with capital letter E! Hanggang ngayon ba naman e may grudge ka pa rin sa akin? Hindi at never ako kakarmahin, dahil blessing ang mukha ko, habang iyang sa iyo, pinagsamang sumpa at sama ng loob!" banat ko naman na iki-shock pa niya. Kapal ng mukha, e hindi nga nasisindak sa mukha niya sa dalamin. Inform ko nga siya na mukha siyang naglalakad na bagwa.
"Hep, tumigil na nga kayong dalawa! Nandito tayo para kumain ng fishball at kikiam ha, hindi para magsimula ng world war," ani ni MM na as usual, tagapamagitan.
"Well, it is not my fault na maraming insecure sa mundo," ani ko sabay flip hair at flip-top.
"Insecure? In your dreams!" sigaw ni akla, akala mo naman ang sweet ng boses, tunog demonyo ang gaga.
"Oh, natamaan ka ba? Hindi ko kasalanan na pinulit mo iyung banat ko. Aba, masyado ka naman atang sensitive momsh," wika ko pa. Nakaramdam naman ako bigla ng kaba. Instinct ata ito nang maramdaman ko na para bang, shuta mhie, heto na nga ba ang sinasabi ko e.
"Ha! Got you!" wika ni Tristan habang nakasampay na ang mabigat na braso niya sa akin. Pansin ko nga na may salamin siya ngayon sa mata at nerdy look. Trip neto? E sa classroom mukha siyang siga kung pumorma minsan.
"Anong got you? Jusmiyo naman, Tristan, kanina ka pa sa classroom. Nakita mo ba iting itsura ko? Mukha akong model kanina nang pagpasok ko, pero pagkakita ko pa lang sa iyo, alam ko na agad na ikaw ang magbibigay ng stress sa buhay ko," sabi ko sa kanya.
Bigla naman siyang nag-ahift into cute guy. Alam mo iyung nakakaasar lang sa part na para bang ako pa ang biglang nakonsensya sa kanya.
"I am so sorry on what I did. I never meant to make you stress," sabi niya na para bang ako pa may pagkakasala.
Bigla naman akong hinila ni bakla at siya ang nagpakilala kay TJ. Hayop talaga itong ekstra na ito e. Mang-aagaw na nga ng exposure, may kasama pang pananakit. Ano, sampalan na lang o?
"Anong ginawa sa iyo ng kaibigan ko? Ako na ang bahala siya ang kawawa! My name is Lei, but you can call me mine, or call me baby, whatever suits on your tongue," sabi ng haliparot, ang sakit niya sa mata. Direk! Paki-alis na nga ito, dagdag lang sa production cost wala namang silbe!
"Excuse me, but I am talking to Sho, can you please move away?" ani niya. Para akong nasindak mga teh! I mean, what? Ang cold non ha! Feeling ko pati si Lei, nawindang.
"Sungit!" ani ni Lei. Ako naman e kinausap lang ng lalaki na ito.
"Sho, can I drive you home?" he asked with those puppy eyes na muntik ko ng hindi mahindian! Ano ba naman ito! Akala ko ba galit tayo, Sho? Bakit naman rumurupok ha? Mortal na kasalanan talaga pagiging haliparot, sorry na.
"No need, he is coming with me and staying with me," wika ng isang boses. Mas lalo naman akong na-stress ngayon. Just imagine naman kung ano iyung tension na nararamdaman ko ngayon. Imagine mo iyung parang ako iyung bida sa telenovela while pinag-aagawan lang naman nila ako. Saan ka pa?
"Mikyle? Bakit nandito ka?" tanong ko na medyo kinakabahan na. Knowing ang lalaki na ito na hindi rin maintindihan ang ugali at nasa isip, baka kung ano na naman iniisip nito, jusmiyo, baka gumawa pa kamo ng gulo!
"I am just right in time when a pest came nearby you. Sino ka?" maangas na tanong ni Mikyle kay TJ.
"I am his classmate, and I have no obligation to answer your question. I am talking with Sho, not to you, and don't call me pest, ikaw biglang sumabat dito," balik naman ni Tristan James kaya mas lalong uminit ang sitwasyon, ako na lang talaga ang kinakabahan.
Hinila ko na si Mikyle at saka ko na tiningnan si Tristan James. "Umuwi ka na please!" sabi ko. Para na talaga kasing bulak na sasabog si Mikyle. Natatakot na ako.
"See you tomorrow then! Let's meet again ag the rooftop," ani niya na may halong something sa pagkakasabi niya.
"What the hell is that?" Akmang babalik pa siya at mabuti e nahila ko na siya sa kotse.
"Umalis na tayo, utang na loob at huwag ka ng gumawa ng gulo. Kung ano man ang maruming bagay na nasa isip mo, ibahin mo ako at hindi ako ganoon!" Pigil ko sa kanya.
"Sho! May tiwala ako sa iyo, pero sa gago na iyon, mukha pa lang hindi ko na mapagkakatiwalaan, Sho. Pwede mo bang layuan na lang iyung tao na iyon? Can you transfer on another section. I can do that, just don't go near with that fucker," sabi niya sa akin.
"Mikyle nagbibiro lang iyung tao masyado ka kamong patola! Tigilan mo nga kaka-overthink mo na ganyan! Saka isa pa hindi ko bet iyon, paiba-iba ng ugali, madalas mayabang, minsan naman parang matalino na gagawin kang bobo," wika ko sa kanya.
"That is good! Hate that guy, do not go near him. He is no good, I know that he likes you." Like what?