Epilogue (Part 1) "Mama! Ibaba mo na!" naiinip sa tuwa na hiyaw ni Ate Scarlet kay Mama. "The gown really suits her!" dagdag pa nito sabay hagod ng tingin sa akin. Ang mahabang buntot ng wedding gown ko ang ibig nitong tukuyin. Yes, nakatalikod ako pero damang-dama ko ang ginawa niyang iyon. Ang lapad ko rito sa harapan ng salamin dahil sa pa-ball gown type na wedding dress. Sa itaas na parte ay hapit na hapit sa katawan ko, lalong-lalo sa balakang ko. Nangingibabaw tuloy ang balinkinitan kong hubog. Pa-off shoulder ito kaya naman nagmukha akong namukadkad na puting bulaklak. Puting-puti at kumikinang ang bawat design na bead at ang kung anu-ano pang tawag sa mga materyales na ginamit dito para magmukhang itong elegante. Hindi ako marunong mag-describe nang ganito kagandang gown pero s

