Chapter 89 Lander's POV "Lumabas na siya," kako nang wala na rin sa loob. Titig na titig ako sa mukha nito na tilaba pakiramdam konay nakikita niya rin ako. "Huh? Ano? Sino? Si Venix?" "Yeah..." sambit ko, sa mahinang-mahinang tinig lang. "Oh!" bulalas nito nang malakas. "So, ano ang susunod mong gagawin? Ngayon mo na ba kauusapin? Pag-isipan mo, Lander... Remember, pagkakataon mo na rin ito..." Pagpapaalala ang nasa tinig nito. Humigpit ang pagkakakapit ko sa steering wheel ng sasakyan. Kakaiba ang lamig dito sa Iceland, umaabot hanggang dito sa loob ng sasakyan kahit na may heater pa. At kahit na sobrang balot na balot ito ng patong-patong na kasuotan kagaya ko, nakilala ko pa rin siya mula sa hubog ng katawan nito hanggang sa hubog ng mukha. Matagal din itong nakatayo roon bago

