Chapter 5 Ksenia's POV Nang bumalik ako sa hall ay nag-umpisa pang muli ang mas masayang kasiyahan. Pero ako, nakangiti at tumatawa man sa panlabas na anyo, naguguluhan at nabibitin sa kapiranggot na impormasyong nakita sa picture naman sa loob. Kanina pa nakabantay ang ibang atensiyon ko kay Ramces. Bago matapos ang araw na ito, kailangang magkausap kami. Kailangan kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng picture na nasa loob na ngayon ng bra ko. Napag-isip-isip kong huwag na itong gawing controversial kaya naman hindi ko na ito ipinakita sa iba. Ayaw ko nang magkagulo ulit kami dahil lang dito. Kung ano man ang mga dapat kong malaman tungkol dito ay mas mainam kung ako na lang muna ang makaalam... "Humabol pala si Ramces dito sa wedding venue... Akala ko aalis din siya agad after na

