OSWL (Book 2) Chapter 82

1612 Words

Chapter 82 Ksenia's POV One hour ago... Isang buwan ang nakalipas... Isang buong buwan na naging pahinga rin namin iyon. At sa nakalipas na panahon, ikinagulat ko ang pagpipigil ni Lander na huwag puntahan ang anak niyang si Kivenne sa lugar kung saan niya ito nakita. Mas madalas kong i-wonder kung ano ang saloobin niya tungkol dito kaysa ang tanungin siya mismo. Ayaw ko siyang pag-isipin pa lalo. Hindi ko gustong isabay niya sa trabaho niya ang pag-iisip tungkol sa anak niya at sa mga nangyari at natuklasan namin doon. Hiyaan ko lang ang panahon na hilumin siya nito kahit pa ang kapalit niyon ay ang pananahimik ko. Dumaan ang mga araw na tila walang nangyari. Tikom pa rin pareho ang mga labi namin. Wala pa ring nakaaalam nang tungkol kay Kivenne. Madalang din kung pag-usapan naman ito

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD