Chapter 56 Ksenia 's POV Nilingat ko saglit ang hagdan na nakikita naman mula rito sa kusina. Binabantayan ito at baka bigla na lang akong magulat na naroon na ang asawa ko at nakatingin sa amin ni Ramces. Kahit nakapag-usap na kami, nag-aalala akong baka magkaroon na naman ito nang violent reaction kapag nakita niya kaming nag-uusap ni Ramces dito. "Kung ano man ang kukunin mo, mamaya mo na lang siguro kunin, Ramces... Kung puwede lang sana," sinabi ko rito nang makitang clear naman sa may hagdanan. "Aamin ko, kailangan. ko ang tulong mo sa gagawin kong plano para sa pagkikita ng mag-ama... Yeah, for sure na tutulungan mo ako, sinabi mo na nga kanina... Pero kung possible sana, baka puwedeng planuhin muna natin... Kung kailan at saan at kung anu-ano pa..." Lutang akong nagpatuloy sa g

