Chapter 47 Lander's POV "Magpahabol ka ngayon dahil kawawa sa akin kapag hindi..." matiim kong sinabi habang pinipilit na abutin ang sasakyang iyon. " Matalino ka... Mukhang kabisado mo na ang pasikot-sikot dito... Sino ka ba talaga? Sa ginagawa mong panglilito at pagpapabilis ng pagpapatakbo ay pinapatunayan mo lang na dapat kang paghinalaan..." Malinis ang daan. Nauuna man ito nag ilang layo ay nakikita ko pa rin ito kung saan ito nagsusuot-suot. Ang ipinag-aalala ko lang ngayon ay papalapit nang papalapit na kami sa bayang nadaanan ko kanina. Busy at maraming tao roon dahil naroon ang mga kapilya, palengke, stores, restaurants at kung anu-ano pang mahahalagang pinupuntahan ng tao. Doon ay makikipot na ang daan at marami nang dapat iwasan. Mas makapagtatago ang sasakyang iyon kung doo

