Chapter 49 Ksenia's POV "Ramces, hindi mo na iyan kailangang gawin pa iyan... Salamat na lang sa magandang intensiyon mo... Hangga't maaari ayaw kong pilitin si Lander na puntahan ako rito nang napipilitan lang..." "Hmmm... Nagtataka na rin kasi ako... Alam na niya ang tungkol sa isang kambal, na nandito ako at nandito ka, pero hanggang ngayon ba ay wala pa siyang balak? Kasi kung ako iyon, aalis man ako pero para lang siguro magpalamig ng ulo saglit. Hindi ko papaabutin hanggang dumating ang dilim ang pag-iisip ko. Aalamin ko ang lahat agad-agad!" "Iyan din ang iniisip ko, Ramces... Pero ganito talaga... Baka may ugaling iba ang asawa ko na ngayon ko pa lang malalaman... Alam mo naman... matagal din kaming nagkalayo. So, talagang bago na Lander ang pinapakisamahan ko ngayon. Si Lander

