Chapter 87 Lander's POV "Mag-iingat ka roon, Lander... And please, be home safe too..." ang asawa ko na kanina ko pa napapansing nakatitig lang sa akin. Iniiwasan kong salubungin siya sa mga mata dahil alam kong maraming naglalaro sa mga iyon na maaari lang na magpaatras sa akin. Ayaw ko siyang iwan dito pero ayaw ko rin namang palagpasin ang pagkakataong makikita ko si Venix. Sinigurado ng mga tao ko na maaabutan ko pa siya roon kung ngayon mismo ako bibiyahe. Ang target nila ay ang ma-meet ko ito sa Iceland mismo at hindi sa susunod pa nitong destinasyon. Pinaghirap din nila itong hinanap kaya hindi ko rin sila masisisi. Tungkol naman kay Ramces, binigay ko na mismo sa kaniya ang desisyon kung susunod siya o hindi. Basta ang sinigurado ko sa kaniya, hindi na niya kailangan pang gawin

