Chapter 35 Lander's POV Nakarating na ako sa tutuluyan kong bahay sa probinsiyang ito pero hindi pa rin tumatawag si Fred. Isa lang ang ibig sabihin niyon, hanggang ngayon ay hindi pa rin ma-track kung nasaan ang asawa ko. Nakapatay pa rin ang cellphone nito. Bumaba ako nang sasakyan matapos ang nakaiinip na paghihintay sa tawag nilang dalawa. Kahit ako ay hinihintay kong tawagan ako ng asawa ko. Siguro nasa labas pa rin ito hanggang ngayon. Paano nga naman niya mapagtatakpan ang sarili kung bigla akong tumawag na saktong nasa labas siya. Sa nangyayaring ito ay baka makompronta ko na ito nang hindi oras. Naiinis na talaga ako sa sitwasyon. Kaunti na lang ay hahalughugin ko na ang buong lupain ng Interlaken mahanap lang siya. "Hmmm..." ang himig na lumabas sa bibig ko Pati cute at maga

