Chapter 64 Ksenia's POV "Watch out, Kivenne!" ang narinig ko pang sigaw ng mommy nito bago tuluyang nakalapit sa amin ang bata. Ang inosenteng mga hagikgik nito ang pumawi sa lahat ng mga alinlangan sa mga oras na ito. At siyempre, ang diretso nito ay sa mga bisig ni Ramces. Si Ramces na hindi ko namamalayan ang ginagawa sa tabi ko ay nasa mga tuhod na pala nito sa damuhan at nakaabang sa paparating na bata. Kinarga niya ito at bahagyang ginulo-gulo ang mga buhok nito gamit ang isang palad. Kaya naman pala humahagikgik ang bata dahil nakikiliti sa ginagawa niya. Naiwan kasi ang atensiyon ko sa mag-asawa sa mga nagdaang segundo. Iyong tipong, nasa bata ang buong atensiyon ng puso ko pero iyong mga mata at isip ko ay nasa dalawa. "Oh, small buddy, what had you eaten? Ang active mo yata n

