Chapter 94 Lander's POV "Venix..." Kahit hindi naman ito tumatakbo ay tinakbo kong muli ito. "Venix!" taginting ng boses ko dahil pakiramdam ko tingin ko ay bigla na lamang itong maglalaho. "Utang-na-loob, Venix... Maawa ka sa akin..." nausal ko naq lang sa hangin. Tila hindi tumatakba ang oras dito sa Iceland, walang gabi rito. Tila ang bawat hingang lumabas sa katawan ko pahirap sa sistema ko. Ako ay hindi makahinga nang maayos hindi dahil sa kapal ng suot ko kundi dahil sa kaba, takot, at matinding pag-iisip. Hindi ko puwedeng hayaang magpatuloy ang nangyayaring ito sa akin ngayon pa at abot-kamay ko na ang pag-asa. Si Venix na lang iyon. Siya lang at wala nang iba pa. Nakatitig lang ito sa akin hanggang sa malapitan ko ito nang tuluyan. Ito rin ay balot na balot at may suot pang da

