Chapter 12 Ksenia's POV Hapon nang araw ng flight ni Lander papuntang US ay nasa airport din ako para sa aking flight patungong Switzerland. This is a secret flight. Nagpaalam ako sa mga magulang ko na may mahalaga akong pupuntahan pero hindi ko sinabi kung saan. Nakisuyo na lang akong huwag sasabihin sa kahit kanino, lalong-lalo na sa asawa ko. "Hey!" tumataginting na tawag sa akin nang paparating na si Ramces. Itiningala ko ang mga mata para hanapin siya sa mga kumpulan ng mga tao sa paligid. Maraming tao ngayon dito sa airport. Kahit sa labas ay tila umaalon ng mga tao sa dami nila. Ngumiti ako nang makita ko siya. Naka-shade ito, pantalon at sagad na sagad ang zipper ng leather jacket sa leeg. Hindi naman malamig. Malinis ang gupit nito at kapansin-pansin agad ang mamahalin nitong

