Chapter 58 Ksenia's POV "What does she said?" tanong kaagad ni Lander pagkatapos kong ibaba ang cell phone ko. "Tama ba ang mga narinig ko? Two days na lang?" Narinig naman niya lahat ng pinag-usapan namin ni Mama pero ewan at parang hindi pa iyon malinaw sa kaniya. O baka... akala niya nagkamali lang siya ng pagkarinig dahil hindi niya matanggap iyon. Ngumiti ako sa kaniya para pagaanin hindi lang ang damdamin ko kundi pati na rin ang sa kaniya. Nalungkot din ako sa palugit na ibinigay ni Mama. Nagpaplanong magbakasakaling magbabago pa iyon. Ano lang naman iyong three days na idadagdag ko roon, 'di ba? "Yes, Lander, you heard it right... Two days ang nabanggit ni Mama... Pero huwag kang mag-alala, susubukin ko pa siyang kausapin at kumbinsihin... Huwag mo na lang masyadong isipin ang

