Chapter 51 Ksenia's POV Kinontento ko na lang ang sarili sa pag-upo rito sa carpeted na sahig at pagtitig sa mukha niya. Bakas ang pagod, puyat at sakit ang mukha nito, kahit tulog na tulog ito ay mahahalata mo iyon. May part na very sorry ako rito, kung bakit kailangan niyang pagdaanan ito, kung bakit pareho naming dapat pagdaanan ito. May part din na hindi ako nagsisising naglihim ko. "Pero dahil narito ka na, Lander... baka maayos na natin ito ngayon..." bulong ko sa tapat ng bibig nito sabay ngiti. "Hindi na ako makatulog pero ayaw ko rin namang maabutan mo akong gising... Nalilito na rin ako... Ang gusto ko lang naman... hindi ka na galit pagmulat ng mga mata mo at pagkakita mo sa akin... We have so much to talk about... Ganito kaaga tayong gustong i-challenge ng pagkakataon... Wal

