Chapter 2 : Crush

735 Words
Eazzi's POV "Hoy Eazzi! Nakita ko yun" wika ni Nelly na may himig pang-aasar "Alin naman?" kunot-noong tanong ko "Kausap ka kanina ni Nexus! Anong pinag-uusapan niyo ha?" "Wala gagi" natatawang sagot ko *** Lumipas ang dalawang linggo at tuloy pa rin ang pagre-review namin. Weird lang si Nexus dahil ang feeling close niya sakin. Tulad ngayon, pabalik na ako sa room namin at sumabay siya saking maglakad. "Eazzi" sabay punta sa harapan ko "May boyfriend ka na ba?" tanong niya "Wala" mabilis kong tugon "Wee? Meron e. Nasa regular section" "Wala nga. Wala akong time sa ganun e" natatawang sagot ko "Eh bakit ka tumatawa?" "Ang kulit mo kasi" sagot ko bago pumasok sa room namin na katabi lang din ng room nila. Pagkapasok ko tumakbo patungo sa akin si Nelly "May gusto ba yun sayo Eazzi?" bungad na tanong ni Nelly "Wala. Feeling close lang talaga" "Feel ko meron e kasi iba yung tingin sayo" "Panong tingin?" papilosopo kong sagot "Tinging in love ganun. Ah basta! May gusto yun sayo sure ako. Yieeeeeeee" sabi niyang kinikilig "Feelingera ka dzai" pailing-iling kong sabi "Tara na nga. Sabay na tayong umuwi" pagbabago niya ng usapan Pagkarating ko sa bahay namin ay kumain ako at naglinis ng katawan. Matapos kong gawin ang skincare ko sa gabi ay kinuha ko ang aklat ko sa Math at itinuloy ang pagsasagot sa reviewer sheet na ibinigay sa amin. Sa sobrang aliw kong magsagot ay hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. ***Kinabukasan*** Eazzi's POV Habang naglalakad ako patungo sa Math Department, nakita ko agad si Alexander at Nexus na nagkukwentuhan malapit sa may pinto. Dahil sa nakita ko sila ay bigla akong nakaramdam ng pagkataranta. Gusto kong umiwas kay Nexus. Papunta na sana ako sa room namin ng bigla akong tawagin ni Alexander "Hoy Eazzi na flat! Dito ka!" pasigaw niyang tawag sa akin kaya nakatingin din sakin ang ibang mga students. Nakakahiya. Dahil sa ginawa ni Alexander ay tumungo na ako ng tuluyan sa Math Department. Naglakad ng pasalubong sa sakin ang dalawa. Naiilang pa ako dahil parehas silang nakatingin sa akin "Kumusta ang tulog mo Eazzi?" tanong ni Nexus "Ayos naman" "Alam mo ba na ikaw ang laman ng panaginip ko kagabi at nung mga nakaraan na araw?" ani ni Nexus na medyo nahihiya Nagulat ako sa sinabi niya. Nawala lang ang gulat ko dahil sa malakas na halakhak ni Alexander "Ang corny mo HAHAHA" iyak tawa niyang wika kay Nexus Si Nexus naman ay napakamot nalang sa ulo nya. Ang cute niya. Gosh! Sa totoo lang nung marinig ko ang sinabi ni Nexus ay kumabog ang dibdib ko "Ang aga Nexus ha. Tara na nga sa loob" yaya ko sa dalawa para maalis ang awkwardness Habang nagrereview kami, nahuhuli ko si Nexus na laging nakatingin sa akin. To be honest, naiilang na kinikilig ako. HAHAHA 3 pm na at vacant time na ng mga kaklase ko. Sakto at pahinga time rin namin. Napagdesisyunan ko na pumunta sa room namin. Pagdating ko sa room ang lapad ng ngiti ni Nelly at kilig na kilig "Anyare sayo?" tanong ko sa kanya "Sabi ko na may gusto sayo si Nexus e. May nakarinig sa boy's CR, sinabi raw ni Nexus na ikaw ang crush nya!" tili niya habang hinahampas-hampas ako Nakaramdam ako ng tuwa pero agad ding nawala. Paano naman kung hindi totoo diba? Bago pa ako makapag-isip ng kung ano-ano ay bigla naman akong nakaramdam ng tawag ng kalikasan "Bes, punta lang akong CR. Naiihi ako" sabi ko kay Nelly "Samahan kita?" "Wag na! Saglit lang ako" Habang naglalakad ako patungong girl's CR ay may biglang humila sa mga kamay ko at ipinasok ako sa isang cubicle. Pagtingin ko sa humila sakin ay laking gulat ko ng makita ko ang mukha ni Nexus na sobrang lapit sa mukha ko. Nagkatitigan kami at napatingin ako sa labi nya. Shocks! Mas mapula pa sa labi ko. Unti-unting lumalapit ang mukha nya sa mukha ko dahil doon ay agad ko syang tinulak "B-bakit mo ko hinila dito?" nauutal na tanong ko "Sorry" sabi niya at iniwan nya ako sa loob ng CR. Hindi agad ako nakakibo at nang bumalik na ako sa ulirat ay umihi na ako. Pagtapos kong umihi ay nagtungo na ako sa room namin at saktong uwian na. Nakita kong magkausap si Nelly at Nexus pero hindi ko siya pinansin at kinuha ko nalang ang bag ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD