Enix Hotel "HOW are you, Moa? I've missed you." Isang tipid na ngiti lang ang isinagot ni Moana kay Kaito. Kasalukuyan silang naglalakad papunta sa Violet Cloud restaurant sa Enix hotel kung saan gaganapin ang family dinner nila. "Kaito, habang magkalayo tayo, napag-isipan ko ang naging mga pagkukulang ko sa relasyon natin." "Moa, when we were apart, nakapag-isip-isip din ako tungkol sa relasyon natin. Hindi lang naman ikaw ang may pagkukulang. Imbes na intindihin kita, naging childish pa ako at pati ang pagpipinta mo, pinagselosan ko pa. I'm really sorry about that. Pangako, babawi ako sa 'yo." Natahimik siya. Paano niya sasabihin kay Kaito na all along, naging excuse lang pala niya ang pagpipinta? Na kaya pala hindi niya mabigyan ng tamang atensiyon ang lalaki ay dahil sa umpisa pa l

