12th Chapter: Mystical Blue Cat

1366 Words
NATUTUWA si Moana sa tibay ng pagkakaibigan ng grupo nina Sley. Sino na lang ba ang mga nasa tamang edad na maglalaro pa rin ng "find-a-mystical-creature-in-the-dark," pagkatapos ay magba-barbecue party? Maybe because they enjoyed playing together, even though they were all grown-ups now. Siya naman, sumali lang sa larong iyon dahil kapag siya ang nakahawak sa asul na pusa, ibabahagi niya ang suwerte kay Monina dahil kambal naman sila. Yep, she was doing that for her sister, again. "Do you find us amusing?" pabirong tanong ni Melvin na para bang nababasa ang nasa isip niya. Tiningnan ni Moana ang lalaki. "Natutuwa lang naman ako sa inyong magkakaibigan. Talagang naglalaan kayo ng oras para gumawa ng fun activities na magkakasama sa kabila ng pagiging busy n'yo." Ngumiti si Melvin. "The ten of us have been friends for more that twenty five years now. Siguro namamangha ka, pero ang totoo niyan, hindi naging madali ang pagsama-samahin ang sampung magkakaibang personalidad sa iisang grupo. We almost broke up countless times. But our effort and desire to stay this way have kept us together." May mainit na bagay na bumalot sa kanyang puso. "Friendship really is a beautiful thing." Napaisip siya, at nagbilang. "Sampu? Siyam lang kayo, ah." "The other one is in London. He's Charly's ex." Napatango na lang siya. "Ah... may mga nagkagustuhan din pala sa inyo." Bigla niyang naisip sina Melou at Sley. Kinabahan siya. "Sina Melou at Sley ba...?" "Selos ka?" nakangising tanong ni Melvin. Naramdaman ni Moana ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi. Inirapan niya ang lalaki. "Hindi, 'no," kaila niya. Natatawang tinapik siya nito sa balikat. "Don't worry. Protective lang talaga si Sley kay Melou dahil sa nangyari kay Melou noong—" Bigla itong natigilan, saka ipinilig ang ulo. "Anyway, platonic lang ang relasyon nila. Tutal, nabanggit mo na si Sley, napansin kong hindi mo siya pinansin kanina." "May nagawa kasi akong kasalanan sa kanya." "Talaga? Kung may nagawa kang kasalanan sa kanya, bakit siya ang mas mukhang guilty sa inyo?" She turned to him. "What do you mean?" Nagkibit-balikat si Melvin. "Kanina, tingin siya nang tingin sa 'yo. Parang iiyak na nga si Sley tuwing iirapan mo siya," biro pa ng lalaki. Natahimik siya. Parang nag-happy dance ang kanyang puso dahil sa nalaman. Tingin nang tingin sa kanya si Sley? Jusmio! Pero agad din niyang sinaway ang sarili. Hindi siya dapat natutuwa. "Tell me, Monina, what do you think of Sley?" biglang tanong ni Melvin. Naumid ang dila ni Moana. Hindi siya makapag-isip nang matino dahil sa implikasyon ng tanong. "Whoa! Stop!" bulalas nito, saka siya hinila sa kamay. Nagtatakang tiningnan niya ang lalaki. "Bakit?" Bumakas ang excitement sa guwapong mukha ni Melvin, saka itinuro ang malaki at lumang bahay sa harap nila. Nakalabas na pala sila ng LV's Mini-Forest. "'Haunted Mansion' ang tawag diyan. Monina, matatakutin ka ba?" Umiling si Moana. "Hindi naman... masyado." "Gusto kong manakot. I'll tell them na nakita ko ang blue cat dito sa Haunted Mansion, then you scare them, okay? Kukuha lang ako ng props." "Huh? Pero—" "Don't worry, walang multo diyan! Sagutin mo na lang ang tanong ko pagbalik ko!" Tumakbo na si Melvin pabalik sa gubat. Tumayo na lang si Moana sa malalaki at patong-patong na biyak na bato sa tapat ng gate ng "Haunted Mansion." Hindi naman iyon mukhang haunted sa kanya. Maganda at malaki ang bahay. Medyo hindi lang talaga nalilinis. Tumingin siya sa maliwanag na buwan habang pinag-iisipan ang tanong ni Melvin. Ano ba ang tingin niya kay Sley? Complication. Complication for he could move her heart anytime. Noon, nagiging masaya siya kapag nagpipinta; nalulungkot at nade-depress siya kapag nakakarinig ng hindi magandang kritisismo sa kanyang mga artwork; at naguguluhan at natataranta lang siya kapag nalalapit na ang kanyang exhibit. Pero pagdating kay Sley, isang ngiti lang ng lalaki, masaya na siya; isang simangot lang, nalulungkot na siya; at isang hawak lang, natataranta na. Hindi niya iyon naramdaman kay Kaito. O mas tamang sabihing mas malakas at mas mabigat ang mga nararamdaman niya para kay Sley. Tinapik-tapik ni Moana ang magkabila niyang pisngi. "Hindi puwede 'to, hindi puwede!" "Ang alin?" Hindi niya nilingon ang nagsalita. Marahil ay nakabalik na si Melvin. "Si Sley kasi, eh. Naguguluhan ako sa kanya. He's not just good-looking, he also has the gentlest eyes and the warmest smile I've ever seen in my whole life. Sobrang bait, maalalahanin, at maasikaso niya rin. Nakakakonsiyensiya siyang awayin. Pero bakit gano'n? Bakit kahit mabait naman siya at malapit sa 'kin, parang ang layo-layo pa rin niya? He has a wall around him. Wala naman talaga akong balak gibain ang pader na 'yon, pero nakakasama lang ng loob kasi..." Natutop niya ang kanyang bibig. Kapag natataranta, nagiging madaldal talaga siya. Marami siyang gustong sabihin at ilabas na saloobin. Pero naisip niyang tama lang ang lahat ng nangyayari. Tama lang na manatili ang malaking distansiya sa pagitan nila ni Sley. Bumuntong-hininga siya. "Sley must hate me..." "I don't hate you, Monina." Marahas na nilingon ni Moana ang nagsalita. Napasinghap siya nang makita si Sley imbes na si Melvin kaya dala ng pagkataranta, nadulas ang paa niya sa tinatapakang bato. Nasalo naman siya ni Sley kaya ngayon ay nakapulupot ang mga braso nito sa kanyang katawan. "Mag-ingat ka naman, Monina," sermon pa ng lalaki. Agad siyang humiwalay. "Bakit ikaw ang nandito? Nasa'n si Melvin?" Sumimangot si Sley. "Bakit? Mas gusto mo ba siyang kasama kaysa sa 'kin?" Nag-iwas siya ng tingin. "Ikaw ang inaalala ko. Hindi ba't ayaw mo na 'kong makita?" Narinig niya itong bumuga ng hangin. "I'm sorry if I raised my voice at you, Monina. Hindi ko sinasadya." Kinagat ni Moana ang ibabang labi. Malambing at punong-puno ng pagsisisi ang boses ni Sley. Natutunaw ang kanyang puso. Pero hindi sila puwedeng maging okay. Hindi iyon kasama sa plano. Tama nga lang na galit si Sley sa kanya, kaya bakit ito pa ang nagso-sorry? Natigilan lang siya sa pag-iisip nang makarinig siya ng isang malakas na "meow" kasabay ng kaluskos ng mga dahon. Nang tingnan niya ang pinanggalingan ng ingay, napasinghap siya nang may makitang pusa na asul na asul ang kulay at parang nagliliwanag sa sinag ng buwan. The blue cat had huge, bright green eyes, and it had a little bell tied to its tail with a red ribbon. Its aura told her it wasn't an ordinary cat. "Sley, the blue cat," bulong niya. Nang balingan siya ni Sley, hindi gulat ang nakita niya sa mga mata ng lalaki—rekognisyon. "Ocean?" bulong nito. Nawala kay Sley ang focus ni Moana dahil pagngiyaw ng asul na pusa ay bigla na lang iyong tumakbo. Nataranta siya at mabilis na hinabol ang pusa. "Sley, let's catch it! I need to touch its tail!" Para ma-share ko sa kakambal ko ang suwerte! Kung totoo ang mystical blue cat, malang ay totoo rin ang legend. "Monina!" sigaw ni Sley na sumunod na sa kanya. Umikot ang mahiwagang pusa sa isang payat na puno kaya umikot si Moana sa kabila para salubungin ang pusa. "Sley, i-corner natin ang blue cat!" sigaw niya na nakuha naman agad ng lalaki. Nasa likuran ng blue cat si Sley. The cat stopped moving and just watched her in silence. Dahan-dahan siyang lumuhod upang hindi magulat ang asul na pusa. "I won't hurt you, I promise. I just want to touch your tail," masuyong bulong niya. She slowly reached out to the cat. Tiningnan niya si Sley at sinenyasan itong gayahin siya dahil mukhang nadaan naman sa pakiusap ang pusa. Sley got down on one knee and slowly reached out for the cat's tail, too. Pigil ang hininga ni Moana habang palapit nang palapit ang kamay niya sa buntot ng mahiwagang asul na pusa. Those three seconds felt like an eternity to her. Then, she finally got a hold of its tail! Pero pagkahawak niya sa buntot ay naglaho iyon sa kanyang palad. The little bell on its tail rang, and she almost got blinded by the bright light the cat produced before it magically vanished into thin air. Naramdaman ni Moana ang pagkawala ng kanyang balanse dahil sa biglaang pagkawala ng inaabot niya. Mukhang ganoon din ang nangyari kay Sley. Napasubsob sila sa isa't isa—at nagkadikit ang kanilang mga labi! Nagulat siya nang maramdaman ang mainit at malambot na mga labi ni Sley at alam niyang mawawala siya sa sarili kapag hindi pa siya humiwalay. Pero mas maagap ang lalaki. He slipped his hand around her nape and deepened the kiss. Her mind and her system stopped working altogether and she kissed him back. Damn you, blue cat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD