Chapter 26 Tin’s POV UMAGA palang pero para nang drain na drain lahat ng enerhiya ko sa katawan. Bukod kasi sa pagod ako, pati utak ko hindi nakapagpahinga. Halos buong gabi akong hindi nakatulog sa pag-iisip sa kung ano kaya ang mga posibleng mangyari ngayon dahil sa mga kaganapan kagabi. When Hiro and Xander said that they wants to court me, Dad approved them both. Ni hindi man lang ako nagawang tanungin ni Dad kagabi kung ano ang opinyon ko. Basta lang nitong sinabi ang mga salitang 'Okay. You both can court my daughter' then right after that, pinapasok na nila ako sa loob ni Mommy, at agad sinabihan sila Xander at ang iba pa na umuwi. Nang makapasok naman kami ng bahay, pasimple lang ako nitong pinukol ng seryosong tingin, bago ako sinabihang matulog, at agad iniwan. Magkaha

