Chapter 47 Tin's POV Tahimik lang kaming dalawa ni Xander habang bumabyahe patungo sa lugar, kung nasaan si Christina. Hindi ko alam kung saan kami papunta, gusto 'ko 'mang magtanong pero hindi ko magawa. Waring nalunok ko na lang ang dila ko nang mapagtanto na kaming dalawa na lang ang magkasama dito sa sasakyan ngayon. Pinaghalong kaba at takot ang nararamdaman. Kaba, dahil kasama ko sya, at takot dahil alam 'kong may nag-iba na sa kanya. Halata naman sa kilos niya na hindi kami okay. Baka nga galit sya sakin dahil wala akong paalam na umalis 'noon. Pero kung alam nya lang siguro ang mga nangyari, baka naintindihan nya ako. Napatuon na lamang ako sa may bintana at tahimik na pinagmasdan ang mga lugar na nadadaanan namin, ngunit hindi pa nga lumilipas ang isang minuto, hindi ko n

