Chapter 70 Tin's POV You're a destroyer... PUNO ng kaguluhan ang utak ko nang makapasok ako sa loob ng resthouse. Pilit 'kong iniintindi ang ibig sabihin nang mga sinabi ni Miss Libiran, pati na ang sinabi ng ama ni Xander. Miss Libiran told me that she was dissappointed of me. While Xander's father, said that I am a destroyer. Naguguluhan ako. Hindi ko naiintindihan kung bakit nila nasabi ang ganoong mga bagay sa akin. Nakita ko si Miss Libiran na kasalukuyang nakatayo sa may living room, habang sinisipat ang paligid, at nakaupo sa mahabang sofa naman ang mag-asawang Velasquez, ngunit hindi tulad kay Miss Libiran, ang mga mata nito ay nasa akin. Puno ng lungkot ang mukha ng Ina ni Xander, habang ang ama niya naman ay pagkadisgusto lamang ang nakikita ko habang nakatingin sa akin

