Chapter 31 “If something bad happens, it's because of you!” ani ng kapatid ni Christina, bago kami tuluyang iniwan. Mabilis din namang sumunod dito si Christina, habang ako naman ay napaupo na lang sa bench. Oh god! Alam na nang kapatid ni Christina ang tungkol sa relasyon namin ni Xander! Hindi 'to maganda! Naramdaman ko ang marahang pagtapik ni Glenzyl sa balikat ko kaya naman napunta sa kanya ang atensyon ko. Nakatingin siya sakin nang may nangungusap na mga mata. Hindi ko naman napigilan ang mapabuntong-hininga, “Glenzyl...” mahinang sambit ko sa pangalan niya, at agad naman niya akong hinila upang yakapin. “Wag kang masyadong mag-alala, Celestia. Walang mangyayaring masama.” pagpapagaan nito sa pakiramdam ko, ngunit sa kabila nang ginawa niya, hindi pa rin ako napalagay. Natata

