Chapter 20 Halos dalawang oras na ata ang nakalilipas simula nang magsimula ang byahe namin, pero hindi ko man lang nagawang umidlip. Dilat na dilat pa rin ang mga mata ko, habang nakatuon sa labas ng bintana, pinipilit na pagaanin ang dibdib ko. “Celestine, nagugutom ka ba?” Napalingon ako kay Hiro, na kasalukuyang nakaupo sa passenger seat at nakatingin sa akin. May bahid ng pag-aalala sa mukha nito. I just gave him a loop-sided smile before shaking my head. “Nope. I'm good Hiro.” I said, and was about to turn my attention back on the window, when Hiro handed me a pack of biscuit. “Kainin mo 'yan pag nagutom ka. Alam 'kong hindi ka kumain ng lunch kanina.” nakangiting sabi nito, habang nananatiling naka-stretched ang mga braso upang maiabot sa akin ang biscuit. My heart felt hap

