VIZENCIO Everyday ay may improvement na. Hindi ko na siya nakikita na malungkot. Kaya masaya rin ako na makita na masaya na ang Ren-ren ko. Tuwing umaga ay nagtitimpla ako ng gatas para sa kanya. Umaakyat ako sa room niya para na rin gisingin siya dahil may pasok siya sa school. Naging daily routine ko na ito at masaya ako habang ginagawa ko ito. Nasanay na talaga ako na alagaan ko siya. Nagpapasalamat naman ako na hinahayaan lang ako ni gov. Hanggang sa tuluyan ng bumilis ang paglipas ng mga araw. “Kuya, totoo po ba na sasali ka rin sa basketball team nila daddy?” tanong niya sa akin. “Yes, Ren-ren.” sagot ko sa kanya. “Wow naman, kuya! Magaling ka bang maglaro?” tanong niya sa akin. “Sakto lang,” sagot ko sa kanya. “I-che-cheer po kita, kuya.” sabi pa niya sa akin. “Talaga?” tanon

